CHAPTER 141

2.6M 67.3K 94.4K
  • Dedicated kay Queenannetharah Bigbig Pascual
                                    

NAIH'S POV

"Sweetheart," tinawag ko si Lee habang tinatahan namin ang daan pauwi, nilingon niya naman ako. "Hindi ba talaga nabanggit ni Deib kung saan ang punta niya? Nag-aalala na rin kasi ako, eh."

"Hindi, eh, nagtaka na nga lang din ako dahil hindi na siya bumalik. Ayos naman tayo sa canteen kanina, 'di ba? Ang sabi niya ay susunduin niya si Max 'tapos hindi naman na siya bumalik. Nalilito rin ako."

"Ano kaya ang nangyari? Nakapagtataka lang kasi na doon sa canteen ay walang bukam-bibig si Sensui kung hindi si Max! Max! Max! Puro siya Max! Hindi makakain nang wala si Max! Hindi makahinga nang wala si Max! Gusto niya ay puro Max! Nang sunduin naman niya si Max ay akala mo siya kinuha nang engkanto ay nag-disappear siya bigla! Anong trip 'yon? Tsk!"

"Nalilito rin ako kung bakit biglang nagkagano'n. Ang iniisip ko ay may emergency lang si Deib."

"Eh, ang kaso kung may emergency nga siya--ano ba naman 'yong tumawag siya kahit na sabihin lang niyang may emergency siya tapos kahit 'wag na siyang tumawag for life! Hindi 'yong ganitong pare-pareho tayong nakanganga--Deib! Deib! Nasaan ka na, Deib! Nawawala ang Deib! My God! Nakakaloka ang kaibigan niyong 'yan, ah? Hindi siya worry-free! Tsk tsk tsk!"

"Nag-aalala na nga rin ako pero hindi naman siya ma-contact."

"Ako rin naman, Eh, ang kaso ay walang paramdam? Walang pahiwatig? Imposible namang hindi niya alam na merong tao na katulad natin na puwedeng mag-alala, 'di ba? Kahit 'wag niya na akong isama! Kahit kayo na lang nina Tob at Max? 'Di ba? 'Matik nang iisipin niya na may mga kaibigan siya at girlfriend na mag-aalala kasi nawala siyang bigla!"

Hindi na ako sinagot ni Lee, naiintindihan ko siya dahil pareho naman naming hindi alam kung nasaan talaga si Deib. Pareho kaming nalilito at walang maisip na dahilan kung bakit bigla siyang nawala ng walang paa-paalam. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili na magtanong kahit na alam kong anomang itanong ko ay maririndi na siya dahil sa sobrang lakas nang bibig ko. Nag-aalala ako kay Sensui at gano'n na rin kay Max. At higit sa lahat ay nag-aalala ako para sa relasyon nila.

May mali kasi, eh, merong mali.

Nawala si Sensui sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa pagkakatanda ko ay minsan niya na ring ginawa 'to pero hindi ko naman masiyadong pinansin dahil hindi pa naman kami gano'n ka-close no'n.

"Naalala mo no'ng minsan na nawala rin si Deib? Hinanap niyo rin siya sa 'kin no'n, 'di ba?" Tanong kong muli kay Lee, tumango siya.

"Pero iba 'yong ngayon, sweetheart, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Okay naman kasi tayo bago niya tayo iwan kanina, 'di ba? Ayos din naman daw sila ni Max, sabi niya."

Napabuntong-hininga ako sa sagot niya. "Ayos lang ba sa 'yo na dumaan muna tayo sa bahay at bumalik sa school?"

Nagtaka siya. "Why?"

"Ihahatid ko kay Max 'yong motor niya," bumuntong-hininga uli ako. "Sa tingin ko kasi ay hindi na siya babalikan pa ni Sensui ro'n."

Sandali siyang natigilan at napabuntong-hininga rin. "Oh, sige."

"Salamat," muli na lang akong tumanaw sa labas nang bintana.

Para akong tanga na isip nang isip kung ano ang posibleng nangyari. Ang hirap manghula dahil wala naman kaming makitang problema bago mangyari ito.

Bakit ba hilig na hilig nang panahon ngayon na magkaganito bigla ang mga pangyayari? 'Yong ayos na ayos ang lahat tapos biglang magkakaro'n nang panibagong eksena? Hindi na natapos tapos ang mga eksena! Letse!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon