CHAPTER 149

3.8M 89.4K 140K
                                    

DEIB'S POV

"Hindi.. Kung dito ka matutulog sa dibdib ko.. hindi.. hinding hindi ako magagalit.." seryoso kunwaring tugon ko kay Taguro at kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata nya!

Hahahaha! Sana pumayag!

Napabuntong-hininga na lang ako upang maitago ang tawa ko.

Ngayon ko lang sya makakatabi matulog.. hehehehe!

~RIIIIIINNNNGGG!!!~

Gulat pa akong napatingin sa bulsa ko nung biglang mag-ring yun.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at saka binasa ang pangalan ng tumatawag.

~Noona Calling. . . ~

"H-Hello??" sagot ko.

"Nasaan ka?!"

Eto na..

"K-Kasama ko si Taguro, nandito sa Manila---"

"Nagdrive ka dyan mag-isa?!"

"Oo.." nakangusong sagot ko.

"You're crazy!!!" bakas ang galit sa tono'ng sigaw nya! "Matapos nung ginawa mo kay Maxpein tapos ngayon kesehodang delikado---susundan mo sya?! Siraulo ka ba?!"

Oo! Pero mas siraulo ang boyfriend mo..

"A-Alam na ni Mommy na nandito ako.." sagot ko.

"Oo nga! Sya nga ang nagsabi samin ngayon e!"

"Tch! Yun naman pala e! Bakit nagagalit ka pa dyan!?"

"Dahil ang tanga tanga mo! Pupunta punta ka dyan pano kung naligaw ka?! Psh! Ewan ko sayo!"

"A-Ako pa ang ewan!? Kung kailan nakarating nako dito!? Tch! Wag ka ngang papansin dyan, Noona!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Oh edi si Randall ay stranded rin dyan!?"

"Oo!"

"Oh my God.."

"Kailan daw kayo uuwi!?"

"Bukas!"

"Tsk tsk.. Isabay mo na si Randall sa kotse mo bukas para may kasama ka pauwi----"

"Ayoko nga!"

"Deib!"

"Kaya kong magdrive mag-isa! Tch! Sige na! Nag-uusap kami ni Taguro---sagabal ka!"

"W-What!?"

"I'll see you tomorrow, Noona! Bye!" sabi ko pa at saka ibinaba ang linya.

Nilingon ko si Taguro pero nakatingin na sya sakin.

Nginitian ko sya hanggang sa maningkit ang mga mata ko..

"Anong gusto mong gawin?" tanong nya at mas napangiti naman ako.

"Mmm.. bukod sa yakapin mo ko magdamag. Wala na!!! Haha!" at saka ako tumawa ng napakalakas!

"Tss.. Kahit kelan ka.." natatawang sabi pa nya at saka tumingin sa baba. "Masyadong malakas ang ulan kaya hindi rin tayo makakagala.. Wala rin namang spot dito sa Hotel na pwede'ng tambayan.. Don na lang tayo sa loob, manood tayo ng Cable, kasama nila Sam at Miss Reycie.."

"Tabi tayo ah??" nakangising sabi ko pa.

"Basta ikaw.."

"Hehehehe.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon