CHAPTER 128

3.7M 81.2K 227K
                                    

 MAX'S POV

Matapos nung nangyari sa Canteen ay mabilis naming dinala si Sensui sa Clinic..

~FLASHBACK~

"Okay Class, dismiss! I'll see you tomorrow! Enjoy your lunch.." sabi ni Miss Ombre at saka lumabas.

Agad ko namang inayos ang gamit ko at saka tumayo..

"Huy.." bulong sakin ni Naih at saka tumabi, sinulyapan ko naman sya at saka isinukbit ang bag ko. "Hindi kayo 'good' ni Sensui noh??"

"Bakit?"

"Psh.. halata naman kaya.." bulong nya pa. "Tsk.. paniguradong nagselos kay Randall yun kanina.." nakangusong bulong nya. "Huhuhuhuhu.. nakakahawa yung lungkot ni Deib.. huhuhu.. feeling ko nasasaktan ako kapag nagseselos sya..."

"A-Ano bang sinasabi mo dyan!?" inis na tanong ko sa kanya!

"Hala sya! S-Sinasabi ko lang na 'feeling' ko nasasaktan rin ako kapag nagsese---"

"Geh ulitin mo pa.." inis na sabi ko sa kanya!

"E bakit ba nagagalit ka?!"

Hindi ko sya pinansin at naglakad ako papalabas.

"Hoy! Hintayin mo naman kami! Gutom na gutom?!" sigaw pa nya pero hindi ko na sya pinansin.

Agad akong naglakad sa hallway ng biglang nagdatingan sila Mac..

"Idol! Idol!" si Mac. Napatingin naman ako sa kanya. "S-Si D-Deib!"

Ano na naman?

"Oh?" pormal na tanong ko.

"Si D-Deib! Niresbakan ni Choco!"

Ramdam ko ang pagsalubong ng mga kilay ko nung marinig ko yun kaya naman medyo nagmadali akong bumaba..

Medyo lang..

At saka lang ako nagmadali nung makita kong akmang sasapakin ni Choco habang hawak hawak ang panga ni Sensui!

~PLASK!~

Sinalo ko ang kamao nya habang nanginginig pa yun..

~END OF FLASHBACK~

Hindi ko maintindihan ang inis na nararamdaman ko!

Nabubuset ako sa pesteng Choco na yun! Kung pwede lang kitang katayin ngayon, ginawa ko na!

Napatingin ako kay Sensui at sa maliit na sugat nya sa noo..

Nananatiling nakatingin sya sa Nurse na gumagamot doon pero..

Hindi ko maiwasang mag-alala..

Napalingon ako kila Naih na nasa labas ng Clinic at saka ako pumihit palabas..

"Babe.." biglang pigil sakin ni Sensui na hinawakan pa ako sa braso. Nilingon ko naman sya. "Dito ka lang.." pakiusap nya pa kaya naman muli akong humarap sa kanya at saka hinawakan ang kamay nya.

"Kukumustahin ko lang sina Lee at Tob.. babalikan rin kita dito.."

"Wag kang pupunta kay Choco ah??"

"Tss.. bat ko naman sya pupuntahan?"

"Tch.. sa tigas ng ulo mo? Basta.. wag kang pupunta don.. Natatakot ako para sayo e.."

"Dapat ka lang talagang matakot.."

"H-Ha??" gulat na tanong nya. "B-Bakit??"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon