CHAPTER 118 : INTERHIGH

6.1M 103K 366K
                                    

DEIB'S POV

Daig ko pa ang KINURYENTE sa sobrang sakit ng pagkakatapak ni Gonza sa paa ko!

At talagang don pa mismo sa injured na paa ko!

Paksheeeeett! Wag mo'ng pangaraping Makatayo ako dito dahil hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sayo!

"Deib! Deib! Are you okay!?" dinig kong sigaw ni Lee na mabilis na nakalapit sakin!

Hindi ko sya nagawang sagotin dahil kasalukuyang panay ang ikot ko sa sahig habag yakap yakap ang hita ko at hawak hawak ang paa ko!

Masakit talaga at hindi ko alam kung anong gagawin ko!

"Deib!" dinig kong tawag ni Tob na paniguradong palapit na rin sakin!

"OMG! What did he do!"

"Siraulo ang Gonza na yan!"

"My God, is Deib okay?!"

"Puntahan natin sya!"

"My goodness ang Deib ko!"

"Ha?! Napano si Deib!? Napano!"

"Tinapakan ni Gonza ang paa nya!"

"Hala baket!!!!! Nababaliw na ba sya?!"

"Puntahan natin daliiii!!!"

Dinig na dinig ko ang ingay ng mga tao sa paligid pero hindi ko pinapansin!

"Bakit nya ginawa yun!?"

"Hindi ko alam.."

"Nakita mo ba kanina yung ginagawa ni Gonza?!"

"Alin don!?"

"Nako kanina ko pa napapansin na tinatapakan nya yung paa ni Deib!"

"Ang daya!"

"Tapos ginanyan nya pa!"

"OMG he's a monster!"

"A monster trash!"

"Dinadala dito ang ugaling squatter nya!"

"Wag kang yayabang yabang sa harap ko Enrile..." malakas na sigaw ni Gonza na dinig na dinig ko! "...dahil matindi pa dyan ang aabutin mo----"

"Woi.."

T-Taguro???

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan nung marinig ko ang boses na yun ni Taguro pero sadyang hindi sapat ang lakas ko para makatayo!

Kaninang naglalaro pa lang ay natatapakan na ni Gonza ang injured na paa ko at ngayon sa tingin ko ay sinasadya nyang gawin yun!

Gago ka.. kapag pati si Taguro dinamay mo yari ka talaga sakin!

Masakit talaga!

"Deib are you okay!?" si Lee.

"N-No.. A-Arrrggghhhh ha...ha... Aaaaahhh...!!!" namimilipit na sagot ko.

"Buhatin natin dre.. dali dalin natin sa bench---"

"W-Wait.." pigil ko sa kanila dahil inaalala ko si Taguro pero sadyang nagpapaikot-ikot pa rin ako! Gusto kong tignan si Taguro habang kausap si Gonza pero sadyang imposible yun para sakin ngayon dahil masyadong masakit ang paa ko!

"Destiny.." mahinang tawag ni Gonza sa kanya.

Parang awa mo na Taguro wag mo munang pairalin ang kayabangan mo ngayon.. hindi kita matutulungan!!!!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon