Chapter 65

158K 9.1K 4.7K
                                    

"I STILL LOVE YOU."


"F*ck you!"


Itinulak ko siya sa dibdib pero ayaw talagang bumitiw. Hinuli niya ang mga kamay ko. Yumuko siya, ang noo ay nakadikit sa akin. Ang mabango at mainit niyang paghinga ay tumatama sa aking mukha.


Ilang sandali ay naupo siya sa swing habang nakayakap pa rin sa aking bewang. Nakasubsob siya aking tiyan. Nanghihina ang mga kamay ko na humawak sa kanyang ulo.


"Jordan..."


Tumingala siya. Puno ng pagsamo ang makinang na magandang uri ng kulay tansong mga mata sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Give me one more chance. I will try harder. I promise to do better this time."


"We already talked about this."


"Try me again, please..."


Umiling ako.


"Okay then just don't end whatever we have right now. Let's stay like this."


Tumaas ang isang sulok ng aking bibig sa paglunok niya sa sistemang meron kami. He was saying that this was fine and he could be contented as long that I would not cut him out of my life.


Pinisil ko ang matangos niyang ilong. "Even if I'll push you away, I know you'll just do what you want. Kaya bahala ka na."


Ngumiti siya at muling sumubsob sa tiyan ko. "That is enough answer for now."


Matabang ako na ngumiti sa kawalan habang nararamdaman ang pagkabasa ng aking bandang sikmura. Hindi umaalis si Jordan sa pagakaksubsob doon, kahit hindi niya ipakita ay nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng balikat niya at naririnig ko ang mahina niyang pagsinghot.


Kinailangan kong tumingala dahil nakaramdam ako ng pag-iinit sa gilid ng aking mga mata. Ang mga palad ko ay marahang dumiin sa pagkakahawak sa balikat niya.


Ilang minuto na ganoon, walang salita, basta nakayakap lang siya sa bewang ko at ako ay nakatingin ang bahagyang nanlalabong paningin sa kung saan.Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata para alisin ang pag-uulan ng mga ito. "J-Jordan, mahamog na at malamig. Pumasok na tayo sa inyo..."


Tumango siya pero nagtagal pa ng ilang minuto bago ako nagawang bitiwan. Wala siyang kibo nang pakawalan ako. Nakayuko pa rin siya nang iangat ang isang kamay para ipahawatig na mauna na akong pumasok sa loob.


Tinalikuran ko na siya at nauna na nga ako. Iniwan ko siya sa swing na nakayuko pa rin. Kapag naayos niya na ang sarili ay alam ko na susunod siya sa akin.


7:30 pm sa wall clock nila sa sala nang tawagin kami ni Mrs. Herrera para sa dinner. Pagpasok ni Jordan sa bahay ay nakangiti na siya bagamat bahagyang namumula ang dulo ng matangos na ilong.


Nilapitan niya ako. Niyakap at hinalikan sa noo. "Gutom ka na?"


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon