/58/ Azotea

237K 8.4K 1.8K
                                    

[Jill Morie's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Jill Morie's POV]

 I thought I was going to die.

Pinipilit kong igalaw ang buo kong katawan pero nabigo ako, the pain is still here and it made my whole body numb, hindi ko alam kung paano iyon iindahin. Nakita ko si Klein na sapilitang binuhat ng isa sa kanila, rinig na rinig ko yung palahaw niya pero maya-maya bigla yong nawala sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ako nililinlang ng mga mata ko sa nasaksihan ko kanina, Stephen and Miss Marcel is here, this place, HGPs RM is a prison cell―no―it's not just an ordinary prison cell. I don't know how to call it pero isa lang ang sigurado ako, there are normal human beings here and they are not safe.

"Margaux, what happened?" Narinig ko yung boses ni Cairo na kakarating lang. Kahit anong pilit kong galaw sa katawan ko na bumangon hindi ko magawa, ganon kalakas yung epekto ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko, paralisado pero gumagana pa rin lahat ng senses ko.

Cairo confronted the headmistress and beside him is my sister, Karen, who is emotionless, staring down at me, it feels like the pain grew stronger because of her gaze, I almost forget that she can barely recognize me at all and it's Cairo's fault.

"That young lady did something terribly against the rules."

"Margaux," kahit na pabulong at humina ang boses ni Cairo, rinig na rinig pa rin 'yon. "They ordered us not to harm her at any cost, are you trying to defy the board?"

"I know, Cairo, hindi mo kailangang ipaalala. Jill Morie's action is inappropriate that's why I need to press this." Bumuntong hininga ni Cairo, inagaw ang remote na hawak ng headmistress. Maya-maya nakita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko. Medyo lumapit siya sa'kin at pinindot ang buton ng remote na 'yon, maya-maya'y nagagalaw ko na yung katawan ko. Then he stared as if he's reading my mind, I can't clearly see his face because of the lights.

"Dalhin siya sa EXP―"

"No, take her to the Sanctus."

"I am the headmistress."

"Yes, you're just the headmistress, Margaux. Don't forget the orders." Saglit silang natahimik pareho, nagsusukatan ng tingin.

"Fine. Take her to the Sanctus. We will discuss this matter later, Cairo." May dalawang babae ang umalalay sa'kin sa pagtayo, pinaupo nila 'ko sa isang wheel chair, lupaypay pa rin ang buo kong katawan at wala akong ibang magawa kundi magkuyom ng palad.

Damn it. Bakit? Bakit wala akong magawa? Bakit palagi na lang ganito? Bakit sa huli nagiging helpless lang ako. I seriously wanted to stand up right now and to do something. But how? How can I fight them? How can I save Stephen? Them?

"...because Jill Morie, you are the free will."


*****

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon