/52/ Midnight Train

262K 8.8K 2.9K
                                    

[Jill Morie's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Jill Morie's POV]

NAKITA ko kung paano niya ibinaba ang kamay na may hawak-hawak na pistol, nakita ko rin kung paano siya nagtagis, nakakuyom ang isang palad habang ang mga mata'y nananatiling blangko. Sa sobrang tahimik ng paligid, tunog ng mga kuliglig,hinagpis ng mga damdamin, at tila nasa hangin pa rin ang mga salitang binitiwan ni Miss Karen.

Kasing linaw ng buwan ang pagkakasabi niya, at dahil doon naliwanagan ako sa isang bagay, si Cairo ang asawa niya at tinutukoy niyang unang pag-ibig. Pero naguguluhan ako sa pinakahuli niyang sinabi, '...hayaan mo kaming makatakas ng kapatid ko'. Kapatid? Sino? Ako? Ako ba ang tinutukoy niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit niya 'ko pinoprotektahan? Pero bakit? Bakit sa ganitong tagpuan ko kinakailangang malaman? Kung totoo man ang sinasabi ni Miss Karen... paano?

Nang mapansin niya na binaba ni Cairo ang baril, humarap siya sa'kin at hinila ako. Hindi pinalagpas ang pagkakataon, kaagad naming kinuha sa loob ng tokador ang mga bagahe naming dalawa. Ngunit bago kami makalabas sa silid na 'yon narinig namin ang pagtawag niya.

"Karen." Dahil hawak-hawak ako ni Miss sa braso pareho kaming napahinto at dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan niya. Tiningnan ko silang dalawa, limang segundo na nagtitigan, walang inusal na mga salita, senyales na ba 'yon na hahayaan niya na kaming makatakas? Nang naputol ang titig, naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa braso ko, hinila niya 'ko paalis, at bago ko tuluyang matapak ang mga paa sa labas, nasulyapan ko si Cairo sa loob, at hindi nakatakas sa'king paningin ang kumislap na tubig na umagos pababa sa kanyang pisngi.

Halos tumatakbo na kami ni Miss papunta sa istayon ng Daambakal na di kalayuan sa tinuluyan namin kanina. Inaasahan ko na may mga nakaabang na Memoire sa labas pero wala ni isa, kahit anino nila wala akong nakita. Hingal na hingal kami pareho ni Miss Karen nang marating namin yung istasyon, nasulyapan ko yung malaking orasan na nakasabit sa entrada ng istasyon, mag-aalaskwatro na ng umaga. Marami-rami na rin yung mga taong naghihintay, maraming papauwi sa kanya-kanya nilang probinsya.

 Marami-rami na rin yung mga taong naghihintay, maraming papauwi sa kanya-kanya nilang probinsya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iniwan ko muna si Miss Karen sa waiting area para tawagan si Jing Rosca. Kinuha ko yung phone ko, naka-ilang beses akong tawag sa kanya ngunit hindi 'ko magawang makakonekta dahil nagluluko yung network line ko sa di malaman na dahilan. Wala akong ibang choice kundi tumawag sa payphone.  

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon