/50/ Beatrice

280K 9.9K 2.1K
  • Dedicated kay MMM
                                    

[Karen Italia's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Karen Italia's POV]

"KAREN, nagsimula na yung program sa central grounds hindi ka pa ba mag-aayos?" sumulyap ako sa kanya, naglalagay siya ng kulurete sa mukha. Kaming dalawa na lang ni Marcel yung nandito sa faculty room at rinig na yung ingay na nagmumula sa labas, patunay na nagsimula na ang Night Out, ang huling program ng White Knights Academy para sa taong ito."By the way nga pala, si Jillianne Morie, she's from your class right?" napahinto ako sa pagbabasa at saglit na tumingin sa kanya.

"Yes."  bumalik ulit ako sa ginagawa ko.

"Magpaparticipate siya mamaya, natuwa talaga ko nung malaman ko na pumayag siya, alam mo kasi may potential yung batang 'yon, masyado lang aloof sa tao," she chuckled. "Parang ikaw." She thought hindi ko yon narinig kaya nung nakita niya na napatingin ako sa kanya she quickly whispered.

"Sorry."

I thought she's leaving already pero nagtaka ko nang makita ko siyang nakatitig sa'kin, then she leaned forward, magkatapat lang kasi yung table naming dalawa. 

"What?" tanong ko.

"Nothing," nakatingin pa rin siya sa'kin at nakapangalumbaba, maya-maya may kinuha siya sa bag niya at ipinakita sa'kin yung cellphone niya. "This made me surprised. Your class really looks happy here," she showed me a photo posted on a social media site, yung group picture during the Christmas party. "And you as well."

Sumandal na siya sa upuan niya matapos niyang ibalik yung phone niya sa bag. 

"Hmm... Akala ko talaga hindi ka marunong ngumiti," pagkatapos sumeryoso siya. "It's weird though." 

Tumingin ako sa kanya at sakto namang nakatingin din siya sa'kin.

"You've been working here for almost two years but we still barely know you," binalik ko ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko. "Who are you, really?" Hinihintay niya kong sumagot pero mas pinili kong tumahimik. Then she chuckled again. "Sorry,sorry, kung anu-anong sinasabi ko. Forget it, ang gusto ko lang naman sabihin, you should smile often, Karen," tapos tumayo na siya. "Mauna na 'ko ha, see you later." 

I just nod then she leaves.

Tumingil ako sa pagbabasa at sumandal ako sa upuan, napapikit saglit at inalala yung tanong niya . 'Who are you, really?' I'd like to ask that question to myself. Who am I? They said I'm cold as ice, firm as rock, lifeless as broken bough. Tumingin ako sa bintana, tanaw ang mga nagsasayawang ilaw na may iba't ibang ilaw na nagmumula sa central grounds, kitang-kita rin ang sarili kong repleksyon.

The truth is... I don't even know myself anymore.

Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa, gusto kong tumawa pero hindi ko kaya, gusto kong umiyak nang umiyak pero naubos na ata yung luha ko. Gusto kong maramdaman na kahit kaunti may natitira pa ring pagkatao rito sa loob ko.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon