/49/ Huling Sayaw

288K 9.8K 4.6K
                                    

"Are you ready people of White Knights?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Are you ready people of White Knights?!"

Hiyawan ang maririnig na sagot mula sa mga tao. Kakasimula pa lang halos ng Night Out, pasado ala sais at madilim na ang buong kalangitan. Sa tantiya ko puno na at marami ng tao ang nandoon, minsanan lang naman kasi yung ganitong pagkakataon sa White Knights lalo pa't bukas ang event kahit taga-labas. Mas  lumakas ang hiyawan nang tumugtog yung banda.

They told him don't you ever come around here

Don't wanna see your face, you better disappear

The fire's in their eyes and their words are really clear

So beat it, just beat it

Rinig na rinig sa buong school yung ingay na nagmumula sa central ground, lalo na ang ugong ng mikropono at tunog ng banda na nasa entablado samahan pa ng matinding hiyawan ng mga estudyante na animo'y nakawala sa selda, well, dahil bakasyon na kinabukasan at wala ng iintindihing exams. Huling araw din ng pagpasok sa school, yeah, hello Christmas vacation. Iisipin ko na naman ngayon kung anong gagawin ko sa bakasyon, mabuburyo na naman ako mag-isa nito sa apartment panigurado, habang si manang Fe—ah wala na nga pala si manang Fe, ang ibig kong sabihin, hindi na siya nagpakita sa'kin matapos ko siyang komprontahin tungkol sa mga gamot ko.

...No one wants to be defeated

Showin' how funky and strong is your fight

It doesn't matter who's wrong or right

Just beat it, beat it...

"Kyaaaaah!"

"Hoy Mariah, ano ba namang kyaah na yan, nakakairita! Akala mo cute ka na nyan!"

"Tse, Baldo!" humarap siya sa'kin pagkatapos,  "Oh my gosh, Jill! Kakanta ka na talaga mamaya?! Oh my gosh as in O-M-G talaga! Akala ko ba tinanggihan mo si Miss M? Shems! Kailangan kitang mapanuod at mavideohan mamaya! OMG. OMG." As usual na mataas ang energy ni Aya, lalo na nang nalaman niya na magpaparticipate ako. Hawak-hawak niya pa yung videocam na hiniram niya kanina sa kaklase ko kahit na naglalakad kami, kasama sila Tadeo at Baldo, papunta sa homeroom, galing kami ng theatre room, nag-aayos kasi kami kanina ng pinagkalatan namin noong play. 

 "Ano namang nakain mo at nagbago yung isip mo, Jill? Diba hindi ka naman mahilig sa exposure?" pangungulit ni Aya sa'kin at tinapat pa yung video cam sa mukha ko. "Dali, kunwari interview, hahaha tapos ako yung press."

"Adik mo babaeng manok." Akma pang babatukan ni Tadeo si Aya.

"Wala naman." Sabi ko. Kung alam lang nila na napapayag talaga ko dahil sa kundisyon ni Enriquez, pero kung tutuusin, parang nalugi ako dahil wala naman kaming napala noong pinuntahan namin yung lumang mansion.  Speaking of Enriquez, pinapupunta niya na ko ngayon sa backstage para mag-ayos, kanina pa niya ko tinatadtad ng tawag at text messages.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon