/76/ Remember to Live

272K 9.4K 5.9K
                                    

Final Chapter:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Final Chapter:

/76/ Remember to Live




"Jill." someone came in, "How are you? Are you alright?" I can't see him; I just nod as an answer. Pang-ilang ulit na ba 'kong tinanong ni dad ng ganyan everytime na papasok siya rito sa kwarto? Narinig kong napahinga siya ng malalim, at kahit na hindi ko siya nakikita kayang-kaya kong iimahe sa utak ko kung anong itsura niya at kung anong nararamdaman niya, siya ang nahihirapan para sa kalagayan ko ngayon.

History doesn't repeat itself, sabi nila, but things happen, not exactly the same way, over and over again. I lost my sight and I am here in the same place two years ago—nabulag. It's been two days and it felt like a lifetime since the incident and as if nothing ever happened, walang binabanggit si dad na kahit na ano tungkol sa nangyari at tungkol sa Memoire, I'm not asking anyway and he would be gladly if I don't.

"I have good news to you." Naramdaman kong lumapit siya sa gilid ng kama at naupo rito, hinawakan ang kanang kamay ko atsaka pinisil iyon, "Mamaya nakaschedule yung operation mo. Nakahanap na 'ko kaagad ng donor para sa transplant." Hindi ako umimik sa sinabi ni dad na alam kong ikinabahala niya, "Hindi mo na ba...gustong makakita ulit?"

I just shrugged and coldly told him, "Just make sure na walang freaking powers this time ang mga mata na ibibigay niyo sa'kin." Narinig kong marahang natawa si dad sa sarcasm ko, medyo nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya siguro hindi ko na gugustuhin pang makakita ulit. Napansin kong natahimik na si dad at hindi na nagsalita pa, siguro nag-iisip siya ng malalim, maya-maya pagkaraan ng buntong hininga nagsalita ulit siya.

"I'm sorry...Jill." Nanginginig yung boses niya, "When I discovered how powerful your Peculiarity I thought giving Karen's eyes to you could help yourself, akala ko—"

"Tama na, dad." Putol ko sa sinasabi niya, "Napapagod na 'kong marinig ang pagso-sorry mo." Gayong hindi naman na maaayos ng sorry niya lahat. And literal na talaga kong napapagod marinig lahat ng sinasabi niya since na nagkamalay ako rito sa ospital.

"I just want you to know kung gaano ako nagsisisi na pinabayaan kita." It's no one's fault, mahirap mang tanggapin na walang may kasalanan kung bakit nangyari lahat ng 'to, pero kung meron mang dapat sisishin ano pa nga bang mapapala ng pagsisisi? Do I have to blame myself for being shallow in the first place? Just like what Lily told me before.

"Anong oras yung operation, dad?" tanong ko para ma-divert yung attention niya.

"Three pm."

Naalala ko si Cloud, kung anong nangyari sa kanya pagkatapos niyang barilin ang sarili niyang ina, hindi ko na alam. Dapat ba 'kong matuwa at magbunyi dahil namatay na si Margaux na siyang pumatay kay Jing? Sadyang lubhang hindi ko inaasahan na magagawa ni Cloud ang bagay na 'yon at hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya, Margaux is his mother after all. But then, hindi ko makapa sa loob ko ang kahit isang bakas ng kasiyahan sa nangyari, hindi napagbayaran ng tama ni Margaux ang dapat niyang pagbayaran sa ginawa niya. Death can't resolve anything by another death.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon