/46/ Journal

310K 10K 3.1K
                                    

"STEPHEN!" I ran as fast as I could, "Stephen! Sandali!", Pero kahit anong bilis na gawin ko, hindi ko siya mahabol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"STEPHEN!" I ran as fast as I could, "Stephen! Sandali!", Pero kahit anong bilis na gawin ko, hindi ko siya mahabol. They said I can control things here, pero bakit ganon? Gusto kong malaman kung anong nangyari kay Stephen, pero ano 'to? I can't manifest the things I wanted to see. This place is narrow, cold and dark, ni hindi ko nga alam kung anong lugar ba 'to.

Sawakas huminto siya sa pagtakbo, dahilan para mapatigil din ako, habol ang hininga. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa'kin, pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Kahit na natatakpan iyon ng dilim, alam kong si Stephen 'yon.

"Jill. Sorry." Hindi bumubuka yung bibig niya pero narinig ko yung boses niya, "Wala na kong ibang magagawa..."

"Nasaan ka? Stephen!"

"...ayokong madamay kayo. Ayokong madamay ang pamilya ko.

"Nasaan ka? Sabihin mo." hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, umaalingawngaw sa buong paligid yung boses niya. Yung huling mga salita na narinig ko sa kanya noong tumawag siya.

"...Takot na takot ako sa kanila, Jill. Gusto ko kayong protektahan lahat. Mag-iingat kayo."

Kasalanan ko 'to. Ako ang may kasalanan kung bakit nawawala siya ngayon, kung hindi niya lang ginawa 'yon para malaman kung sino yung may gawa ng blog, hindi mangyayari 'to sa kanya. Dahil sa'kin... dahil sa sumpang mayroon ako... Itong sumpang kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nagmula.

Humakbang ako papalapit sa kanya pero wala akong natapakang lupa kaya bigla akong nahulog sa malalim na kadiliman. Akala ko walang katapusan 'yon dahil bigla na lang akong bumagsak sa lupa ng hindi nasasaktan. Tumayo ako.

"Jill Morie." Napalingon ako at nakita ko si Stephen, nakatayo lang siya pero hindi ko pa rin maaninag yung mukha niya, "Come with us."  Napasinghap ako sa sinabi niya sabay pag-abot niya pa ng kamay.

"Jill Morie. Come with us." Paulit-ulit na umuulyaw sa buong paligid, parami ng parami yung mga boses kada ulit, at sa bawat pagkurap ng mga mata ko, dumadami yung mga tao sa na nakapaligid sa'kin, kahit saan ako humarap nakikita ko sila, katulad ng mga nasa panaginip ko noon.  Hindi pa roon natapos 'yon, dahan-dahan silang humahakbang papunta sa'kin. Nag-iikot yung paningin ko... Hindi ako makahinga.

Bumalikwas ako. I can still feel the heavy pounding in my chest, and I realized... that was just a dream.

"Okay ka lang ba, Jill Morie?" tanong ni Seraphina na nakaupo sa clinic bed katabi ng kinahihigaan ko. Nandito pa rin kami sa White Knights, sumulyap ako sa wall clock ng infirmary, isa't kalahating oras na pala ang nakalilipas magmula nang mangyari ang komprontahan sa roof top. Iling ang sinagot ko sa kanya.

"Akala ko ba... akala ko ba makokontrol ko yung panaginip ko?" tanong ko kay Cecilia na nasa kabilang gilid ng kama, hawak-hawak yung bolang Kristal, kung saan nakikita rin niya kung ano yung napapanaginipan ko.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon