/31/ Caesar Box

366K 12.1K 3K
                                    

[Jill Morie's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Jill Morie's POV]

"MGA madadaya!" hindi na napigilan si Tadeo nang sumigaw siya bigla pagkapasok namin sa loob ng common room, "Ang dadaya nyo!" dinuro-duro pa nito yung mga iba kong kaklase na kanina pa naroon at nakaupo.

"Roman," subalit hinawakan siya ni Morris sa balikat para awatin, "tama na yan."

"Men, hindi!" inalis nito yung kamay ni Morris sa balikat at hinarap na naman sila, sila na nakatingin sa'ming sampu habang may kanya-kanyang sinasabi ang mukha, "Pinaghirapan natin yung mga clues na yon tapos sila lang yung makikinabang?! Ang duga!"

Tiningnan ko si Ireneo, nakahalukipkip,  umiiling-iling habang nakangisi, tiyak na nagbubunyi na naman siya sa tagumpay na natamasa niya ngayon. The truth is... I don't really care about winning in this game... But when I'm looking at them... silang siyam... silang siyam na naglakas loob na tumayo kanina para sa'kin... On the way here, I wanted to ask them why?

"Here." Morris handed me his jacket but I refused.

Pero parang biglang nawalan din ako ng lakas ng magtanong nang makita ko ang mga itsura nila... they looked so tired... and restless...  As we moved forward, no one dared to speak, not until we came here, Tadeo blustered.

"Ano'ng nakakatawa?!" bigla-bigla sumugod si Senji at hinila patayo yung kaklase kong tumawa kanina.

"Tamaki!"

"Talaga bang umaasa kayo na mananalo rito? Eh di hamak na siyam lang naman kayo," Nakangising sabi ni Ayton kahit na kinuwelyohan na siya ni Senji, "at isa pa, wala namang mga pinagbawal na rules si miss. Ang sabi lang niya bumalik dito. Marunong naman siguro kayong umintindi ano?"

"M-may punto siya Tamaki..."

"Tumahimik ka, Stephen." Nakikita ko mula rito ang pagtiim-bagang niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon." Binitawan niya na si Ayton, at hinarap si Ireneo, "Talunan ka pa rin, Senji. Noon. At hanggang ngayon." What a conceited beast. Kahit hindi sa'kin sinabi ni Ireneo yon biglang nagkuyom ang dalawa kong palad, gusto ko ring magalit sa mga sinabi niya sa'kin kanina pero hindi ko magawa... dahil kasalanan ko. kasalanan ko kung bakit namatay si Lucille.

Nakita ko na lang na bumagsak sa sahig si Ireneo, sa isang iglap nagkakagulo ang lahat, may mga sumisigaw, may mga umaawat, pero natuod ako sa kinatatayuan ko, at para bang wala akong naririnig... Natulala lang ako sa mga nangyayari. Walang mga salita na gustong lumabas sa bibig ko. Bakit? Bakit nangyayari 'to...

"Good evening." Huminto silang lahat at nagsi-ayos . Maging ako ay napatingin sa malaking screen, naroon na siya, nakatingin sa'ming lahat, kalmado, walang emosyon ang mukha. Parte rin ba 'to ng laro mo, miss Karen? Bakit? Bakit mo kami pinaglalaruan?  

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon