/11/ Begins

413K 15.5K 1.9K
                                    

"Isa sa mga plataporma na ipinatupad ng student council ang magkaroon ng comment box sa bawat section

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Isa sa mga plataporma na ipinatupad ng student council ang magkaroon ng comment box sa bawat section. Feel free to express ang motto ang project na'to. I hope maki-cooperate ang lahat." Malugod naman silang sumang-ayon sa sinabi ni Ireneo. May isang box sa mesa, may butas sa ibabaw at nakalock. Kanina ko pa gustong bumalik sa pwesto ko, bakit kailangan pa kong isama rito sa harapan? "At isa pa nga pala, nakikita niyo naman na kasama ko rito ang bagong ikalawang class representative natin."

Kalokohan.

"Please be good to her." Nakangiting sabi niya, ngiting may halong pagtuya. Ano ko? Transfery? Transfery sa buhay impyerno? Alanganin silang pumalakpak. I know, this is awkward. Nakita kong hindi pumapalakpak si Morris, masama yung tingin niya rito.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko, natawa ko sa harapan nila. Nakita ko sa sulok ng mata ko na naglaho yung ngiti ni Ireneo. At natigil sila sa pagpalakpak. Siguradong nagtataka silang lahat kung bakit ako tumatawa ngayon. Bakit nga ba? Kasi, muka silang mga ewan. Kaya nakakatawa. Kumbaga isa silang malaking joke. Nang matauhan ako, I composed myself at huminto na sa pagtawa. Okay, okay, I know I looked crazy, I just can't help it.

Walang nagtangkang bumasag ng katahimikan kaya naman nagsalita ako, "He's right." Sabi ko, "be good to me, please." Take note: with full of sarcasm.

I'm not scared at all, somehow I found this exciting. Parang biglang naggkaroon ng kaunting thrill yung boring kong buhay. Same feeling noong mga panahong sinusundan ko si Sabina. Speaking of Alexi Sabina, ayun siya, tahimik na nakaupo, hindi na siya katulad noon, matapos kumalat sa school ang di umanong tinatago niyang lihim.

"So, ilalagay natin 'tong box sa ibabaw ng shelves sa likuran. And Jill," how dare him to call me by my first name, "here's the key." Kinuha ko naman sa kanya yon.

Pabalik na ko sa pwesto ko pero humarang si Ireneo.

"I know you did it on purpose." He whispered, "Miss rank forty."

"What do you mean?" painosenteng sabi ko. Wow, so paano naman niya nahulaan na I did this on purpose? Wait, nakalimutan ko nga pala na matalino ang taong 'to. Hindi na siya sumagot. Sa ganitong sitwasyon hindi dapat magpakita ng anumang takot sa kanila. Why should I? Pinadaan na ko ni Ireneo at bumalik sa pwesto ko. And the moment na umupo ako sa upuan ko, the life of being rank forty...begins.


*****


"Please bring out your textbooks and open on page sixty-four." The terror math teacher said.

Kinuha ko naman sa ilalim ng desk table yung libro, but to found out na binaboy ito gamit ang marker, tapos walang page sixty-four. So, binalik ko na lang ulit sa ilalim yung textbook. Okay, ito na yun? Ito na yung pambubully nila sa rank 40? Walang kwenta.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon