CHAPTER 1

35.9K 563 102
                                    

AUDREI'S POV.

"My apologies again for this inconvenience, we will try to fix this as soon as we can. Have a great night. " I ended the call let out a huge sigh. That was the last call for today.

I am a call center agent for 3 years now, a breadwinner of my family, my dad used to be our breadwinner but for some reason he resigned his job and he doesn't want to tell us the reason.

Tingnan ko ang mga ka-trabaho ko, most of them left already ,end na rin kasi ng shift namin at 11 PM na.

"Audrei! Sabay sabay na tayo mag-kumain, doon sa gotohan sa kanto" ani ni Aila, ka-trabaho ko.

Hays! Ano pa nga bang bago? Malamang pag sa bahay ko pa ihihintay ang hapunan ko ay for sure na wala nanaman silang tinira para saakin.

"Sige, sino kasama natin?" ani ko habang inaayos ang ilang gamit sa working station ko.

"Si Brylle at Pasha lang" sagot niya.

"Sige, ayusin ko lang to, hintayin niyo nalang ako sa bungad" ani ko.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga, pagod na pagod na ako at nag OT pa ako, kailangan kong mag-ipon ng pera dahil ako ang nagpapaaral sa nakababata kong kapatid na si John Rei, graduating student na ito sa kursong Mass Communication.

Si Papa naman dati ang nagpapaaral sakanya pero tumigil kasi ito sa trabaho, bigla bigla na lang itong nag-resign at ipinalipat kami ng tirahan pero hindi ako nag-resign sa trabaho ko dahil mahirap maghanap ng bagong trabaho, nahihirapan din akong mag-commute,mas malayo pa kasi ang nilipatan namin at mas mahal ang pamasahe.

Noong nag ta-trabaho si Papa ay sapat naman ang sweldo niya para sa aming lahat pero noong tumigil na siya ay isang kahid isang tuka nalang kami, idagdag mo pa ang nanay ko na adik sa sugal, sa kanila lang napupunta ang sweldo ko.

Sumbat nila saakin ay kaya nila ako pinag-aral para ako naman na ang bu-buhay sa kanila, ginawa nilang akong investment kahit wala ng natitira para sa sarili ko. Baon na baon na rin kami sa utang kaya unti-unti ko itong binabayaran.

Ako lahat ang nag ba bayad, mula sa tubig, kuryente, pagkain at upa, idagdag mo pa ang ibang necessities namin.

Nang maayos ko na ang station ko ay nagsimula na ako humakbang papalabas at naka-salubong ko na sila Aila, Brylle at Pasha.

"Let's go mga bakla! Gutom na ako" ani ni Brylle kaya sabay sabay na kaming pumunta sa may gotohan, walking distance lang naman ito.

Nang makarating na kami ay nagsabi na kami ng order namin.

"Ano sa inyo? Ako na mago-order" ani ni Pasha.

"Over load saakin, extra gutom ako ngayon" ani ni Bryle.

"ako rin, over load" ani ni Aila tapos na patingin sila saakin.

"Sayo Audrei, ano? Overload din para pare-pareho tayo" panghihikayat ni Pasha.

Napakamot ako ng batok "Ahm, hindi, plain lang akin"

Nagkatinginan sila.

"Ano bayan 'drei, napaka-kuripot mo talaga!" napakamot si Pasha sa batok.

"Hindi a! Hindi ako masyadong gutom" pagde-deny ko.

"weh? E kanina ka pa kayang 12 noon nagtatrabaho, ikaw Audrei huwag mo kami maloko loko ha!" itinuro ako ni Brylle habang nakapa-mewang.

Mas mahal kasi talaga pag 'yong order nila doble yung bayad sa order ko, sayang din yun, pareho lang namang ang purpose- ang mabusog ako.

Si Pasha na ang nag-order at ibinigay nalang namin ang bayad sakan' ya, habang kami nila Aila at Bryle ay naupo na.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now