CHAPTER 33

16.6K 393 39
                                    


"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama habang sumubo ng brazo de mercedes na tira kahapon.

"Oo, may pa-harana-harana pang nalalaman" napairap ako at sumubo ng bacsilog na kinakain ko ngayong almusal.

"Ang sarap kasi ng tulog ko e" napakamot sa ulo si Mama "Sana ginising mo ako para napanood ko man lang, maganda ba boses? Ang ganda ng boses niya kapag nagsasalita, ang lalim tapos lalaking lalaki" natutuwang ani ni mama.

Napa-ubo ako "Nako ma, hindi!" pinunasan ko ng gilid ng mga labi ko "Hindi maganda ang singing voice niya gaya ni AA. Mag-ama talaga sila"

Ilang sandali pa ay rinig ko na ang mabibigat na yabag ni Johnrei pababa ng hagdan, mukhang puyat ito at hindi maganda ang gising.

"O, kain na" tawag ko sakanya "Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko habang hinawakan muli ang kubyertos ko para kumain.

"'nak, nag-harana pala kagabi si Attorney Alejandro, narinig mo? Maganda ba bo-" naputol ang sasabihin ni mama nang pabalagbag na sumagot ni Johnrei kasabay ng pag upo nito sa harap niya.

"' yon na nga ma e, nang-harana, kumanta siya, pero ang pangit ng boses" napahilot ito sa sentido "Tunog higanteng nilalagutan ng hininga, paboritong banda ko pa man din ang kumanta n'on" Napabuntong hininga ito at nag sandok ng makakain.

"Hindi ako nakatulog ng mabuti dahil nasa isip ko 'yong boses yon! Pati si AA, nagising nong narinig niya iyang kanta ng ama niya, kailangan ko pang takpan tenga niya kasi akala niya kumukulong, may storm daw" napakamot ito sa ulo.

Pinigilan kong hindi matawa, sa katunayan nga rin ay hindi ako nakatulog ng maayos buong magdamag, maya't maya ay minumulat ko ang mga mata ko at napapangiti nalang habang nakatitig sa kisame.

I should not be acting like that since I hate Alejandro, pero habang may ginagawa nalang siya ay nag re-react nalang ang katawan ko ng ganito... Pati rin ang puso ko.

I thought I already killed the feelings I had for him, pero tila ba nare-resurect kada nakikita ko siya. Akala ko si Papa Jesus lang ang kayang ma-resurrect, puso ko rin pala.

Although I am quite impressed he did that, minus his voice, but his efforts are the things that make my feelings go wild for him. The way he cares about AA and I.

Kita ko naman ang effort niya lalo na sa anak. I know he is rooting the connection we have with AA, si AA ang ginagawa niyang tulay para mapalapit sa akin. He wants us to be a family, which is a bit too fast for me.

I really don't like the fact he was forcing me before to be with him but now, I'm glad that he is making all these efforts, para lang patawarin ko siya.

I was mad before since he was forcing me to marry him. Siya lang ang alam kong galit sa akin noong huli kaming nagkita tapos aayain ako ng kasal matapos akong makipagtaguan ng apat na taon sakan'ya.

He apologized but that wasn't enough kaya manigas siya. Hindi pa ako kuntento.

Hindi pa man din ako tapos kumain ay napagpasyahan kong umakyat sa kwarto ng kapatid ko para gisingin si AA, pupunta kasi siya sa daycare ngayon at ihahatid pa ng ama niya.

Napangiti ako nang marinig ang nga munting hilik niya, ang cute cute niya talaga, bahagyang naka-awang ang labi niya at nasa gilid ng ulo niya ang magkabilang kamay niya.

"AA" mahinahon kong tawag sakanya pero nanatili itong tulog.

"Anak, gising na, sunduin ka pa mamaya ni Daddy mo" Sambit ko, nagbabakasakaling gumising na pero nanatiling tulog pa din.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now