CHAPTER 35

17K 382 58
                                    


Nakabalik na kaming Sorsogon, napagpasyahan kong sila Mama at kapatid ko nalang ang mag aasikaso ng kaso ni Papa, wala rin mangyayari sa amin doon.

Balik sa normal na lahat, nagumpisa na ulit ako magtrabaho at si AA bumalik na sa dating daycare niya, ayaw niya talagang umalis sa Manila noong una, dahil ayaw niyang iwan ang Daddy niya at ayaw niyang mahiwalay sa Best friend niya.

Gusto niya daw kasama ni Nicolai na bumalik dito sa Sorsogon pero hindi pwede, baka tagain pa ako ng magulang non kapag isinama namin.

Ilang linggo na ring walang paramdam sa amin si Alejandro, ang huli naming pagkikita ay noong araw na itinanong niya kung may nararamdaman pa ba ako sakan'ya, pagkatapos no'n ay umalis siya.

He looks defeated and broken, bagsak ang balikat niya dating umalis at rinig ko ang mabibigat niyang hininga, kinabukasan non ay na discharge na si AA at agad na rin kaming bumalik ng Sorsogon dahil din sa trabaho ko.Pinigilan pa ako ni mama at baka daw masinat si AA pero itinuloy ko pa rin.

Ni phone call ay wala akong natanggap kay Alejandro, panay na rin ang paghahanap sakanya ng anak niya pero nahihiya naman ako na tumawag dahil sobrang awkward ng huli naming kita. Nahihiya rin akong magtanong kila mama kung nagpaparamdam ba si Alejandro doon.

I brought the necklace with me, nasa isip ko dati na ibalik pero nakalimutan ko, hindi ko rin ito madalas na suotin dahil baka manakaw at mahold up. Ang ganda kasi ay halatang milyones ang halaga.

Bigla kong narinig ang Bell namin, uwian na pala at maghapon na akong nakaupo dito, hindi pa ako nag lunch dahil tambak ako ng paper works.

Tumayo ako at Napabuntong hininga. Kinuha ko ang shoulder bag ko na nakasabit sa upuan at lumabas na ako ng office. Inilock ko muna ito at pinuntahan na si AA sa daycare area.

Nang makarating ay inilibot ko ang paningin ko sa play ground, madalas kasi nandito si AA, tinitigan ko ang mga batang naghahabulan pero hindi ko siya mahagilap doon kaya lumingon ako at nakita ko siya sa ibaba ng slide, nakaupo magisa.

"Anak" tawag ko sakan'ya at Napalingon siya sa gawi ko.

Lumapit ako sakan'ya at pinantayan siya "Why are not playing with the other kids?" tanong ko.

Tumingin ito sa akin, nakasimangot ito at mukhang malungkot "They're not my friends" sagot niya.

"Uwi na tayo? Masama ba pakiramdam mo?" I asked then stood up.

Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko pero tahimik lang siya, sabay kaming lumabas ng school para umuwi na.

Nasa kalagitnaan kami sa pag uwi nang madaanan namin ang isang fast-food chain. Tinignan ko si AA sa tabi ko.

" Gusto mo bili tayo doon?" nakangiti kong tanong pero umiling lang siya.

Kumunot ang noo ko at napakurap, parang ang tamlay niya ata ngayon. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa may kanto ng bahay.

Panigurado ay namimiss niya na ang Daddy niya. Bakit ba kasi hindi nagpaparamdam 'yon? I admit, nagaalala rin ako sakan' ya, medyo nalungkot din because he couldn't keep his promise. Umasa kami ni AA na kukumustahin niya palagi ang anak kapag nandito na kami. Kahit Phone call lang o message wala.

"I miss daddy" bulong niya.

"I'm sorry anak, busy si Daddy" suwestyon ko. "Do you want something?" tanong ko para kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya.

"Daddy?" bulong niya.

"Hindi pwede, kahit ano huwag lang 'yon, busy ang Daddy mo" sermon ko dahil ipipilit niya nanaman kung ano ang gusto niya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now