CHAPTER 29

18.4K 377 19
                                    


Nakasimangot ako habang naglalakad dito sa loob ng airport. Ngayong araw na ang flight namin pabalik ng Maynila. Dalawa lang dapat kami ni AA pero nagpumilit si Alejandro na sumabay kami sakan'ya.

Hindi talaga ako natutuwa, AA seems to like his father more than he likes me. Ninakaw ni Alejandro at atensyon ni AA at sinolo niya nalang. Wala na siyang itinira sa akin.

At itong mokong na to ay hindi ako tinigilan hangga't hindi ako pumayag na sumabay kami sa flight papuntang Manila. Punta siya ng punta sa bahay para lang na pumayag ako. Noong una ayaw ko talaga dahil kaya ko naman pero napagod din ako dahil kahit curfew hours na ay naririnig ko na kinakalampag ni Alejandro ang gate namin at nagmamakaawa na pumayag na ako.

Nanalo siya, heto nga siya ngayon hawak ng mahigpit ang kamay ko habang at sumisipol pa na para bang ang saya saya niya, hawak hawak din ang maleta ko, si AA naman ay nakahawak sa isang kamay ko.

Kami lang ni AA ang may dalang gamit, hindi na nag-abala si Alejandro dahil may mga gamit naman siya sa Manila at kaunti lang ang iniwan niyang gamit sa Sorsogon.

"Mag-fly tayo mommy?" nagagalak na tanong ni AA habang nakatingala sa akin.

"Oo, lalagyan ka nila ng pakpak" biro ko sakan'ya.

"No, we're riding a plane" usyoso naman ni Alejandro kaya Napa-irap ako.

"Daddy may swimming pool doon sa pupuntahan natin?" tanong ni AA habang sumilip sa ama.

"Sa condo ni Daddy wala, pero kapag nasa bahay tayo ni Mamita at Papito mayroon. We have two" kwento ni Alejandro.

"Gusto ko doon mag-swimming" napatalon si AA.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makasampa na kami ng plane, nasa may window seat ang upuan ko habang si Alejandro ang nasa tabi ko, kasunod naman niya si AA.

Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin, I remember he used to to this when he's driving. I tried letting go of my hand pero hindi niya ito pinakawalan.

"What's the matter?" inosenteng tanong niya.

"Let go" bulong ko dahil ayaw kong marinig ni AA.

"No" pagtanggi niya at Idinala pa ang kamay kong hawak niya sa mukha niya para dampihan ito ng halik.

May naramdaman akong pamilyar na kiliti nang ginawa niya iyon. For some reason my heart fluttered and I felt butterflies in my stomach. But no! Hindi ko pwedeng ipahalata na ganoon ang epekto niya sa akin.

"Daddy I'm sleepy" sumbong ni AA kaya napalingon kami pareho sakan'ya.

Halata ngang mabigat ang talukap ng mga mata niya, hapon kasi ngayon at nap time niya dapat.

"Alright you sleep" itinuon ni Alejandro ang atensyon sa anak.

"Scratch my ulo" utos ni AA kaya sinunod naman ni Alejandro.

Ganoon talaga si AA, kapag nakaupo at matutulog ay dapat kumutin mo ang ulo niya para makatulog siya.

Na patingin ako sa bintana ng eroplano, ang taas na pala namin, ito palang ang pangalawang beses ko na sumakay, ang unang beses ay noong lumipat ako ng Sorsogon noong ipinagbubuntis ko si AA.

I'm actually afraid of heights at Kung minamalaas nga naman ay dito pa ako sa window pa na asign ang seat ko.

Ayaw ko talaga ng mga biyahe in General kaya balak kong itulog nalang itong takot ko. I rested my head on my chair at ipinikit ang mga mata, unti unti na akong nawawala sa ulirat nang matandaman kong hinawakan ni Alejandro ang ulo ko para ipatong sa balikat niya, at saka ako tuluyan ng nakatulog.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin