CHAPTER 10 (SPG)

29.9K 498 121
                                    

Bawal sa bata...

---

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mula sa pagkakahiga ay umupo ako habang kinukusot ang mata.Inilibot ko ang paningin ko at hindi pamilyar sa akin ang nasa paligid ko, mula sa pag kalaki-laking TV sa harap ng king size bed na hinihigaan ko, navy blue and cream colored na dingding, blinds na naka-bukas at ang napaka-bangong amoy ng kwarto.

Nasaan ako?

Naalala ko na nandito pala ako sa condominium unit ni Attorney Alejandro. Muli kong nilibot ang buong kwarto pero hindi ko siya mahagilap kaya bumangon ako para lumabas ng kwarto pero wala pa rin siya.

Nakita ko ang naka takip na pagkain sa dining area at may nakasulat na note doon.

'Eat breakfast then get ready. I'll be back soon -A'

Napatingin ako sa mga pagkain, nakapakarami, hindi ko alam kung order ba ito o niluto niya. May eggs, bacon, ham, nuggets, sausage,Tapa, tocino, toast, rice at orange juice.

'Ano bang tingin niya sa akin? Baboy para maubos ito?'

Kung iisipin mo may mga tao pala na ganito karaming klase ang mga nakakain nila sa umaga, kabaliktaran sa karanasan ko dahil pandesal at kape lang ay sapat na.

"Nasaan ba 'yon?" bulong ko habang naupo sa dining area.

Siguro may pinuntahan lang kaya kumain na ako at tinikman ko lahat ang naka-hain at masarap naman lahat. Naalala ko iyong nangyari kagabi, mayroon pala dito iyong kapatid ni Attorney at nahuli pa kami na nagme-make-out. Siguro kung hindi naging echos yung Alessandro ay baka may nangyari na sa amin.

Na patingin muli ako sa sulat niya, hiwa-hiwalay ito at hindi cursive at blue ballpen ang ginamit niyang pan-sulat. Hindi naman ito ang pinapamaganda pero legible at neat naman tignan.

Get ready pala huh? Ano gagawin ko para makapaghanda? Hugasan ng mabuti ang pukang-kang ko?

Nang matapos kumain ay inilibot ko muna ang sarili ko, white na may linings ng blue ang theme ng bahay ni Attorney. Napagtanto ko na mayroon itong sala, balcony, malalaking tatlong kwarto, apat na banyo dahil bawat kwarto at mayroon pero meron din isa sa may na nakahiwalay, kitchen na sobrang lawak at may sariling gym rin. Napugpog din ng napakaraming law symbols, law figurines and medals itong itong nasa may sala. Siguro kung ikukumpara ito sa tinitirhan namin ay nasa apat o limang beses itong mas malaki.

Nakita ko ang bag ko na nasa sahig malapit sa Main entrance kaya pinulot ko ito at naglabas ng damit ko, isang plain white na T-shirt na medyo oversized at shorts na hindi masyadong maikli at iyong bagong bra at seamless panty ko na color pink.

Pumasok ako sa banyo at may nakita na akong isang bag na galing watsons, nandoon pa din ang resibo at nakalagay na kahapon ang ito binili, binuklat ko ito at may laman ito na toiletries na pambabae, gaya ng body wash, shampoo, lotion at iba pa, at mukhang walang kaide-ideya si Attorney kung ano ang bibilhin kaya na parami ang bili niya, magkakapareho naman ng purpose pero ibat ibang scent.

Kinuha ko ang isang body wash at ang nadampot ko ay vanilla lace scent. Ito nalang gagamitin ko dahil hindi ko naman masyadong gusto ang amoy ng lavander dahil nahihilo ako. Dinampot ko na rin ang isang shampoo at scrubber at sumampa na sa bathtub na may shower para makapag umpisa ng maligo.

Hinugasan ko ang sarili ko ng mabuti, nagbabad din ako ng medyo matagal tagal dahil nalakarelax maligo dito sa bahay ni Attorney Alejandro, nang matapos ay sumampa na ako palabas ng bathtub at pumunta sa may sink para magsipilyo, na patingin ako sa isang compartment ng toothbrush kaya binuksan ko ito at may dalawang toothbrush na kulay blue at pink, both of which looks new dahil naka-hygiene cap pa ito.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora