CHAPTER 18

19.5K 398 96
                                    

---

"AA, what did I told you when some classmates are making fun of you?" pagpapaalala ko sa anak ko.

"Don't get mad!" galit na sigaw niya.

Ano daw? Don't get mad pero galit ang tono niya.

"Don't get mad and if someone bullies you tell it to ma'am Jamie okay?" paalala ko sakan'ya.

Tumango tango naman siya. Kasalukuyan kaming nagaalmusal pero hindi matapos tapos dahil ayaw niya ang pagkain niya.

Naalala ko dati ang sinabi sa akin ni Victor na if Alejandro doesn't want something, you can't make him want it at ganoon din si AA, kapag ayaw niya ay ayaw niya talaga kahit anong pilit mo, kagaya ngayon, ayaw niyang kumain ng itlog at kanin dahil gusto niya bacsilog.

"Say Ah" utos ko pero imbes na sundin at tinakpan niya pa ang bibig niya para hindi ko nasubuan. "Kailangan mong kumain para may lakas ka" pangaral ko pero nanatiling naka takip ang bibig niya.

Napabuntong hininga ako "Ano den gusto mo?"

"Bacon" aniya habang naka takip pa rin ang bibig.

"Wala ng bacon, mahal yun" sagot ko. "Sandwich?" I suggest pero tumingin lang ito sa akin.

"PB and J sandwich" nakangiti kong ani.

"Okay" napanguso ito kaya tumayo na ako para kumuha ng sliced bread na nasa loob ng ref at pinalamanan ko na ng peanut butter at grape Jelly.

"Here" abot ko sakan'ya ng sandwich niya.

Inabot niya naman ito at kinain na habang ako ay kinain ang pagkain dapat niya na hindi ginalaw.

Araw ng Huwebes ngayon at buong araw na amang nasa daycare si AA, packed lunch kasi sila doon. Nawa'y hindi siya makipag away ngayong araw dahil mayroon daw siyang kaklase na madalas niyang maka alitan.

"Sino na nga ba ang classmate mo na dinadamba ka kapag galit 'nak?" tanong ko dahil nasabi niya sa akin na minsan siyang sinaktan ng pisikal ng kaklase ng' yon, buti nalang nandoon si Jamie para suwayin sila.

"Si Tyrone" sumbong niya.

"Kapag lumalapit sa'yo si Tyrone, iwasan mo nalang o kaya I sumbong mo kay Teacher Jamie huh?" I suggested.

"Iniiwasan ko siya mommy" Aniya habang punong puno ng tinapay ang bibig "pero he is hurting me when ma'am Jamie is not around" lumamlam ang mata nito na animo'y iiyak na.

"Ay kawawa naman ang baby ko, inaaway niya" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ang tungki ng ilong "Huwag ka iiyak kasi big boy ka na" I brushed my thumb on his cheeks.

"Yes mommy" Malungkot niyang ani "Tyrone told me I'm ampon" he said while tugging my shirt.

"Why? He's the ampon" sagot ko, aba ang kapal naman ng mukha niyang tawaging ampon ang anak ko.

"Kasi hindi daw kita kamukha mommy" his voice broke.

If there's one thing na nakakapagpaiyak kay AA ay bullying lamang, hindi naman siya iyakin pero kapag nainsulto mo ay iiyak talaga siya.

"No, mag kamukha tayo" sagot ko kahit na hindi naman talaga kami mag kamukha.

"No, Hindi kita kamukha" iyak niya "Ampon ba ako mommy?" umiiyak niyang tanong.

"Hindi ka ampon" sagot ko habang hinihimas ang likod niya, nagsimula na rin kasi itong humikbi.

Tinitigan ko ito, hindi ko alam kung maawa ba ako o matatawag sa hitsura niya, umiiyak ito habang patuloy na kumakain, humihikbi habang kumakagat ng sandwich niya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now