CHAPTER 16

19.7K 464 171
                                    


"Miss, nag aaway nanaman po yung Top 1 at top 2 ng class Rizal" sumbong sa akin ng isang estudyante.

Na patingin ako sa orasan "5 minutes nalang uwian na pero nag aaway nanaman sila" na patawa ako "Alright, papuntahin mo sila dito" utos ko.

Napatango naman ang estudyante at umalis.

I leaned on my chair. As you can tell iba na ang trabaho ko. From being a call center agent ay isang guidance counselor na ako ng isang school, both elementary and secondary pero nakatoka ako sa secondary.

4 years had passed.

Kahit na ilang taon na ang nakalipas ay malinaw pa rin sa akin ang sugat na ibinigay sa akin ni Alejandro at dahil doon ay ginawa ko lahat para lumayo sa kan'ya. Lumipat ako ng tinitirhan, nag resign sa trabaho, blocked him in all social media platforms. Iniiwasan ko siya dahil takot ako sa kaligtasan ko.

I'm thankful na hindi niya pinapatay si Papa pero nakulong siya. He was punished by reclusion Perpetua, it pains me to think that he is in jail kahit na framed up lang.

I want to reopen the case but there's one thing that's holding me back, and that is meeting Alejandro once again, I don't want our paths to collide again, Tama na ang minsang niloko, pina-ikot, minanipula at ginamit ako.

Sobrang linaw pa rin sa akin ang araw na 'yon.

---

Guilty?

No!

May usapan kami, bakit hindi siya tumupad?

Kinuha na ng mga pulis si Papa, agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at niyakap siya ng mahigpit. Humagulhol ako at ayaw kong bitawan ang pagkaka yakap kay papa.

Narinig ko ang malakas na sigaw ng asawa ng biktima.

"HAYOP SIYA!!!" Hysterical na iyak niya.

Kinuyog na ng mga pulis si Papa pero mas hinigpitan ko ang yakap ko.

"No please, wala pong kasalanan si Papa" umiiyak kong sumbong.

"Ma'am bumitaw na po kayo, he is proven guilty of felony murder" utos ng pulis.

"A-anak bitaw na, ito na siguro kapalaran ko" nanginginig ang boses ni papa at nangingilid na rin ang luha niya.

"Hindi Pa, wala kang kasalanan" himuhikbi kong ani.

Nabaklas ang pagkaka yakap ko nang may humila sa akin, paglingon ko ay si Attorney Chua iyon.

"I'm sorry Audrei" malambot ang ekspresyon niya.

Bumalik ang tingin ko kay papa na nasa labas na ng court room, sinundan ko sila habang umiiyak at hindi na malayang sumunod din sa akin si Attorney Chua.

"PA!" tawag ko pero hindi siya lumingon.

Kita ko kung paano nila isa kay sa police van si Papa.

"No, walang kasalanan ang papa ko" nanghihina kong sambit sa hangin.

Napayuko ako at hinayang umagos ang luha ko, napahikbi at tinakpan ko ang bibig ko.

I feel betrayed, why did he do it? Anong ginawa niya sa akin sa isang linggong magkasama kami? Ginawa niya akong parausan!

"Audrei" rinig kong tawag ni Attorney Chua.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon