CHAPTER 3

22.7K 437 51
                                    

AUDREI'S POV

PUTA ANG GWAPO

"That!" itinuro kami ng matandang babae. "That man killed my husband  and that woman is a freak!" sigaw niya sa amin.

"Hindi po iyon magagawa ng papa ko!" bulyaw ko.

"We have evidence!!! Siya ang huling nakasama ng Daddy ko bago siya namatay! Nasa CCTV iyon and..." humina ito ng malalim "kukuha kami ng DNA sample niya para malaman kung magma-match ba ito sa DNA na nakuha ng mga investigators!" tinuro niya ako "and if the DNA matched then you're father will surely rot in jail!" nanginginig na boses niyang ani.

Na patingin ko sa gwapong lalaki, may mapaglarong ngisi  sa mga labi nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko masabi kung natutuwa ba siya o nanguuyam.

" Excuse me lang po huh? Nasa bahay lang po palagi ang papa ko kaya imposible po iyang sinasabi niyo" mataray kong ani " dalawang buwan na pong nasa bahay lang at hindi lumalabas ang papa ko"

"and what you said made so much sense" tumawa ng pagak ang mas batang babae " My Dad was killed 2 months ago, that means his guilty Kaya hindi siya lumalabas"

Na patingin ako kay papa, halata ang takot sa mga mata nito.

"Papa totoo ba 'yon?" pabuga kong bulong.

Umiiling ito "H-hind-" naputol ang sasabihin niya nang sumigaw ang matandang babae at sinugod siya.

"LIAR!!!" inatake niya si papa kaya hinarang ko siya.

"Since may abogado naman na po kayo Ma'am, gobyerno na po ang mag po-provide ng sainyo." tumayo ang pulis at kinuha si papa.

"Idadala nalang po namin kayo muna sa presinto dahil mainit po ang tensyon, magkita-kita nalang po kayo sa korte" Ana ng pulis at inilayo na si papa.

"No! Walang kasalanan ang papa ko!" hinila ko si Papa sa gawi ko. "Huwag niyo ikulong si Papa" pagmamakaawa ko.

Pero hindi sila nakinig, inilabas na nila si Papa sa Police station para idala sa mismong presinto, sinundan ko sila nagbabala sakaling itigil nila ang ginagawa nila.

"Sir... Sir please po, huwag niyo po ikulong si Papa ko" napahagulgol ako.

"Sir wala po a-akong kasalanan" sabi ni Papa.

Nakarating na kami sa mga selda, kita mo kung gaano kahirap ang sitwasyon ng mga nakakulong dito. Masikip, madumi, mainit at mabaho. Ayaw kong nandito ako papa ko!

Wala na akong nagawa nang harangin na nila ako.

"Ma'am, hanggang dito nalang po kayo, may sapat silang ebidensya na ang tatay niyo po ang pumatay"

Ipinasok na nila si Papa sa loob ng selda.

Napasapo ako sa noo ko at napatakip sa bibig ko. Hindi ko akalain na magagawa iyo ni Papa.

Napa hawak si papa sa selda.

Why is it like this? Bakit detained na agad ang Papa ko whereas hindi pa naman sinasabi agad sa amin ang totoong nangyari!

"A-anak, ilabas mo ako dito, wala kong kasalanan. H-hindi ako p-pumatay" nanginginig ang boses niya, bahagyang nanubig din ang ang mata niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at naiiyak.

"Gagawa ako ng paraan 'pa, a-alam k-ko naman na hindi mo kayang gawin' yong ibinibintang nila" garagal kong ani.

"H-huwag mong sabihin sa mama mo. Nagmamakaawa ako anak." tumulo ang luha niya "S-sabihin mo nalang muna na nagpakalayo-layo ako para humanap ng trabaho" lumunok ito at ngumiti ng pilit " ayaw kong isipin nila ako. Ayaw kong maging problema sakanila" napahagulgol ito.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now