CHAPTER 27

19.4K 390 100
                                    

[A/N] : May koryente na yey :) but before proceeding to read, gusto ko lang sabihin na random ang magiging susunod updates ko, hell week nanaman kasi sa pagaaral at marami akong paparating na exam kaya todo ang review ko, I hope you understand :)

---
We're kissing each other hungrily, uhaw kami sa isa't isa. I felt his hand roam my body and he tried to lift my shirt and that's when it hit me. We need to stop.

Inipon ko lahat ang lakas na mayroon ako at itinulak siya. We're both gasping for air.

"Audrei" Sambit niya.

"sorry Audrei, I-I didn't mean to rush things" napayuko ito.

"Just f-forget about that" I shook my head.

I turned around and left him outside. Dumiretso ako sa silid na kung saan natutulog ang mga bata, Napabuntong hininga ako.

Looks like na dito ako matutulog kasama niya.

ANOTHER week had passed pero hindi na naulit ang mga nangyari, umuwi na rin kami sa bahay ni AA at hangga't maari ay iniiwasan na namin si Alejandro kahit naka buntot ito pa parati sa amin.

Si AA naman ay palagi akong pinipilit na bumalik daw siya doon sa bahay na may swimming pool pero hindi ko siya pinapayagan kaya madalas siya mag-tantrums.

"Mommy, swimming ulit ako" pilit ni AA sa akin habang hinihila ang laylayan ng damit ko. Hayan nanaman siya.

"Swimming ka nalang sa planggana, Tara" panghihikayat ko pero umiiling ito.

"Gusto ko 'yong totoo" nagpapandyak pa ito.

"Ay hindi" pagtanggi ko habang itinuon ang atensyon sa mga damit na itinutupi.

"Mommy" napaiyak na ito at napasalampak sa sahig.

Heto nanaman...

"Stop crying" utos ko habang itinupi ang maliit niyang brief.

"Gusto ko mag-swimming! " nagwawala niyang bulyaw habang simisipa  ang mga paa niya. Nagsimula na ring mamula ang mukha niya at animo'y anong oras ay sasabog na.

"Hindi ka mags-swimming Kung gan'yan ka, sige" kalmado kong ani pero may pagbabanta sa boses ko.

"Mommy swimming" tumayo ito at muling hinila ang laylayan ng damit ko.

Na patingin ako dito, lumuluha ito at nakapout pa. Gagawin talaga lahat para makapag swimming.

"Planggana" tipid ko sagot kaya napaiyak ito ng malakas.

Maya maya pa ay may kumatok sa labas kaya Napalingon ako dito. Tumayo ako at iniwan si AA na ilabas ang sama ng loob niya dahil hindi ko siya pinapayagan sa gusto.

Siguro ito na 'yong nag re-reading ng tubig at kuryente, si Manong Kanor, araw na rin kasi ng reading. Pinihit ko ang seradura pero laking gulat ko dahil hindi pala Manong Kanor' yon kundi si Alejandro.

"H-hi" nahihiya niyang ani, napansin ko ang mga hawak niyang eco at paper bags "Ano 'yon?" sumilip ito mula sa loob ng bahay at nakita niya ang anak na napasalampak sa sahig habang umiiyak ng malakas.

"Tantrums" tipid' kong sagot habang tumingin din kay AA.

Tumayo si AA at umiiyak na tumakbo papunta kay Alejandro, pinantayan naman siya ni Alejandro at binuhat siya nito.

"Why are you crying? Hmm?" pinunasan ni Alejandro ang luha ng anak gamit ang palad niya.

Yumakap si AA sa leeg ng ama at itinuro ako, aba! Mukhang may kakampi na siya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora