CHAPTER 43

15.6K 344 112
                                    

"Buntis talaga ako?" pang-ilang tanong ko na dahil magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

I was diagnosed with secondary infertility noong ipinanganak ko si AA.

"Yes, and it's real okay?" sagot naman ni Doc Alessandro.

"Pero infertile na ako" pagpupumilit ko "baka naman niloloko niyo lang ako"

"Paanong niloloko e ipinakita ko na sayo ang lab test result mo" sagot niya.

"Paano nangyari iyon? I really expected na hindi ako mabubuntis" ani ko.

"Well, I'm not an Obstetrician Gynecologist but I really don't know how your doctor managed to diagnose you immediately after you gave birth" sagot niya habang inaayos ang ilang eco-bag na naglalaman ng ilang gamit habang nagpapagaling pa ako. "Na-diagnose ka na niya agad whereas hindi ka naman sexually active that time. Being sexually active is often the basis if you had secondary infertility or not, plus normal ang naging delivery mo at walang problems or infection na nangyari" aniya.

"What do you mean? Sinabihan ako ng kasinungalingan ng doctor ko noon?" kunot noo kong tanong.

"Well my theory is that..." aniya habang kumagat ng protein bar "It's either bobo ang naging Doctor mo o may magic ang titi ni Alejandro." Walang preno niyang ani.

Nag-init ang mga pisngi ko, ang galing Huh, sharp shooter pa rin kagaya ng dati.

"C-can I visit him? Sabagay mas malakas ako ngayon kaysa sakan'ya" sagot ko.

Tatlong bala kasi ang tumama kay Alejandro, at ilang oras din siyang naoperahan, delikado ang mga naging tama niya dahil dalawa doon ay bumaon sakanya habang ang isa ay tapyas lang.

"Well, judging by the looks of you mukhang malakas ka naman na"

Yes, it had been a week since I woke up and I'm feeling better now.

I can't wait to meet him, marami pa kaming pag-uusapan, I still don't know if safe na ba kami, dahil baka bumalik pa si Karen at may gawin nanamang masama.

I also miss my son, hindi pa niya ako nabibisita dahil ayaw kong makita niyang kami na nagkakaganto ng ama niya.

For Pete's sake, Nicolai and him are just toddlers, they don't know what is happening at kung bakit sila ginanon.

May pumasok na dalawang nurse at inaalalayan ako para nakaupo sa wheelchair ng dahan dahan, binabalak ko na rin na magpalipat ng room para magkasama na kami ni Alejandro sa iisang private room.

Habang papunta kami sa private room ni Alejandro ay taas baba ang dibdib ko. I don't know what to expect, kinakabahan ako at hindi ko alam kung maayos ba ang kalagayan niya.

Pinihit ng isang nurse ang seradura at saka kami pumasok, my heart sank when I saw him, he's sleeping pero halata na medyo nanghihina ito.

"You can leave now, Salamat" I thanked the nurse, he nodded and left.

Inilapit ko ang wheelchair ko sa higaan niya, I stroked his hair at dinampian ng halik ang noo niya.

He's real, he's alive.

That dream was the most realistic one I've had, I even committed suicide in that dream, I was really crazy in love with him that I could live if he's gone.

"Hmm" he created a sound. I suddenly feel like an ass dahil Nagising ko siya.

Unti unti niyang iminulat ang mga mata niya at na patingin sa akin, sumilay naman ang ngiti sa labi niya pero halata na nanghihina pa siya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now