SPECIAL CHAPTER

16K 343 52
                                    


"Mommy! Si Alijah buhat nanaman si Jimbo!" rinig kong sumbong ni AA kaya dali dali akong lumabas ng kwarto habang isinusuot ang kuwintas ko.

Hay nako!

Nadatnan ko si Alijah, suot suot na ang casual wear niya dahil dadalo kami ngayon sa isang birthday party.

"Alijah, drop Jimbo." utos ko.

Napa-pout ito at tumingin sa akin.

"C'mon, yung balahibo ni Jimbo didikit dyan sa damit mo." I told him.

Mukhang labag sa kalooban niya pero sinunod niya pa rin ako. I stared at my youngest.

Meet Alijah Leopold, ang bunso naming anak. Ang akala talaga namin hindi na masunsundan ang kambal pero heto siya ang humabol pa.

He's 6 years old.

Kinuha ko ang lint roller at tinanggal ang mga balahibo ni Jimbo na dumikit sa damit niya.

"AA, nasaan si Daddy?" tanong ko sa panganay ko.

Sobrang bilis ng panahon, 13 years old na rin ang panganay ko habang ang kambal naman ay 9 years old na.

"Nagbibihis pa lang mommy." imbes na si AA ay si Leon ang sumagot.

"Ang tagal, Male-late na tayo, nakakahiya kila Tito Naz niyo." reklamo ko habang hinahawi ang buhok ni Alijah.

Dadalo kami ngayon sa birthday party ng bunso nila Naz at Lu. 2 years old na ngayong araw si Penelope.

"Dapat pogi ka doon anak at malinis para magka-crush sayo si Penelope." Asar ko dito.

"Ayaw ko dun, nananabunot." sagot ni Alijah.

Ilang sandali pa ay dumating na si Alejandro habang isinusuot ang wrist watch.

"Let's go honey, late na tayo." lumingon ito sa kambal at kay AA na naka-upo sa couch. "Kids, let's go."

"Hawakan mo 'yang gift mo kay Penelope." utos ko kay Alijah na hawak hawak naman ang isang kahon na nakabalot. Stuffed toy ito at siya mismo ang pumili.

Sumunod na kami, at sumampa sa kotse. Si AA at ang kambal ay naupo sa backseat habang naupo naman ako sa passengers seat habang kandong kandong si Alijah.

We arrived at the venue and Oh my God! It's so grand. Nagiisang anak na babae lang si Penelope out of seven children.

Ibinigay na namin ang invitation card at pumasok na kami.

There are lots of familiar faces pero unang nakatakaw ng pansin namin ay ang cake na mayroong design an doll.

"I want the doll." rinig kong ani ni Drea.

"No, that's Penelope's" suway ng Kuya AA niya.

Also si AA, ayaw ng natatawag na AA dahil pambata daw, he goes by the name of Aleandro especially in schools. I understand since binata naman na ang panganay ko.

"Daddy can buy lots of dolls but that's not yours" rinig ko naman na ani ni Leon.

"Huwag kayong mag-away." Suway ko. Hilig talagang pag tulungan ng Boys ko si Drea.

Hours came and the kids are with their friends, we did what people usually do during a kids birthday party kaso ang birthday girl mukhang wala sa mood.

Umiiyak daw kasi ito kaninang umaha dahil inaasar ng mga kuya niya kaya hayun siya, Nakasimangot habang kumakain ng Cup cake.

We also did some catching up with close friends. Mayroon lounge na puro bata lang at ang attendant nila ay si Alessandro, malamang! Mas gusto ata nun kasama ang mga bata kaysa sa amin adults... Isip bata.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now