CHAPTER 19

19.2K 450 144
                                    


"ANO?!" hindi makapaniwalang tanong ko "Bakit?! Anong nangyari?!" kinuha ko ang bag ko na nakasabit sa upuan ko.

"Itinulak at dinamba po siya ng kaklase niya daw po" hinihingal na sagot ng estudyante.

"Bakit?! Hindi man lang na bantayan ni Ma'am Jamie?!" nangungunsumeng ani ko "Saang Hospital? Pupuntahan ko ang anak ko!"

"Kausapin niyo daw po muna iyong parent ng bully Ma'am" napahawak ito sa dibdib.

Dali dali ko ng nilisan ang office ko para pumunta sa daycare Area. Hindi alintana ang mga estudyanteng nakasalubong ko na bumabati sa akin.

Halos takbuhin ko na ito, hinihingal akong nang makarating sa daycare.

"Jamie!" tawag ko sa tagabantay ng daycare.

"Ma'am 'drei I'm so sorry" pagsusumamo niya "nalingat kasi ako ng saglit tapos naptime dapat nila, h-hindi ko alam na nag aaway pala si AA at Tyrone"

"Si Tyrone nanaman? Makailang beses na niyang binully ang anak ko?!" Napasapo ako sa noo "Sino ba' yang Tyrone na 'yan? Nasaan siya?"

Gustong gusto ko ng makita ang Tyrone na' yan, aba sobra naman na ata ang ginawa niya sa anak ko.

"N-nasa principals office, k-kasama ang magulang niya" sagot ni Jamie kaya mabibigat na yabag ang ginawa ko hanggang sa makarating sa Principal's office.

I was greeted by unfamiliar faces, isang babaeng malusog, lalaking patpatin, batang may kalakihan at ang principal.

"Ma'am Asuncion, please take a seat" utos ng principal kaya sinunod ko.

"What happened to my son?" seryosong tanong ko at tumingin sa bata.

"Huwag mo nang takutin ang anak ko!" bulyaw sa akin ng babae.

Tinaasan ko ito ng kilay "Sa bagay, duduwag duwag din naman pala iyang anak mo" sagot ko.

Aba baka nakakalimutan niyo, babaeng tarantado ako.

"What did you say?!" hindi niya makapaniwalang ani.

"malamang sa malamang, kaya binubully ng anak mo ang anak ko dahil mas maliit si AA pero kapag nandito na ako natatakot din pala" matigas kong ani.

"It was an accident!" depensa ng lalaki.

"Accident?! Sadyang tinulak at dinamba?!" pasigaw kong tanong.

Nakita kung paano lumamlam ang mata ng bata dahil sa takot. Aba dapat lang, mahilig ako sa bata but I could never tolerate this kind of behavior.

"Parents, calm down" suway ng principal.

Huminga ako ng malalim at hinawi ang buhok ko.

"Isinugod na sa Hospital si AA kaya pag uusapan nalang natin kung anong nangyari" ani ng principal "Aksidente naman siguro 'yon"

"Sir, ilang beses na pong nagsumbong sa akin ang anak ko" pag amin ko " bully siya ni AA, kesyo sinasabing ampon daw siya at madalas siyang dambahin" testigo ko.

"Calm down ma'am, I understand you're upset-"

"Upset?! I'm not just upset... I'M MAD!" hindi ko na na control ang pagtaas ng boses.

"Pagusapan nalang po natin ang bayad sa expenses ni AA, since kasalanan naman po ng anak niyo Mrs Pablo" the principal suggested.

Napasapo ako ng noo ko at huminga ng malalim para mapa kalma ang sarili.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now