CHAPTER 32

17.6K 364 153
                                    


Preso 'yon dahil nakasuot pa ng inmate na shirt na kulay orange! Nagtakas ng preso si Alejandro para lang... Mag gitara?!

Aba gago! Kaya niya pala magtakas ng preso, kung itakas niya nalang kaya ang tatay ko, Sabagay inosente naman siya.

Umawang ang labi ko at nabitawan ko ang kutsarang may lamang brazo de Mercedes.

"Audrei honey kong iniirog" muling tawag sa akin ni Alejandro nang makita niya ako mula sa bintana. Kumaway pa ito at nag flying kiss.

Tangina!

Ano'ng nakain niya? Nagdala pa siya ng mga alagad para sakyan itong kalokohan niya.

Nagsimula ng magpatugdog ng instrumento ang ibang lalaki habang siya ay may itinapat sa bibig niyang microphone.

"Itigil niyo 'yan!" pasigaw kong bulong pero hindi siya nakinig kaya dali dali akong lumabas ng kwarto para bumaba.

Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita

Agad akong lumabas para pigilan sila pero ang mokong nagsimula ng kumanta at sinasabi ko, alam ko na kung kanino nagmana ang boses ni AA.

'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala

His singing voice was not pleasant at all, tunog kalampag ng kaldero! Ang sakit sa tenga.

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

"Stop singing! Nakakahiya sa mga kapitbahay!" suway ko pero nagpatuloy parin siya at may inilabas pang bouquet ng bulaklak sa likod niya sa iniabot ng isang lalaking walang ginagawa kundi manood lang. If I were to guess, he is Terrence.

Iniabot niya sa akin ang bulaklak at kinuha ko naman ito, I'm still in a state of shock, I didn't know he has this goofy side of him.

Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin

Na lukot ang mukha ko habang Napalingon sa mga kapitbahay namin, I really don't mind him singing kahit na hindi maganda ang boses niya, pero ang ikinababahala ko talaga ay ang preso na naggigitara.

Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman
Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman

Kung madamay talag ako dito sa kalokohan ng lalaking ito ay mas lalong hindi ko siya patatawarin. Napakatigas ng bungo! Kulang na lang ang mister persistent awardee para sakan'ya.

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

' talagang hindi magbabago ang pagtingin ko sayo dahil isa ka pa ring animal na halimaw sa paningin ko! ' testigo ng utak

Subukan ang manalangin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Baka bukas, ika'y akin
Sana 'di magbago ang pagtingin

Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin

Natapos na ang kanta at nagulat ako nang biglang lumuhod ito na para bang magaaya ng kasal, hinawakan niya ang kamay ko.

"Audrei Honey kong iniirog, I know I've been a total asshole since the day I met you, but please let me prove this chance to you that I already changed. I know that the things I've done to you are unforgivable and I know that it's not easy forget those things but... " huminga ito ng malalim " I'm willing to make new memories with you, Alam kong hindi mo makakalimutan ang mga nagawa ko. I'm not asking you to forgive me right away but please let me prove to you that I will do better for you honey, for you and our son. Kayo ang buhay ko at mahal na mahal ko kayo" madamdaming usal niya.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now