CHAPTER 17

19.6K 430 75
                                    

[A/N] : natutuwa ako sa mga tawag niyo sa akin kahit magkakaiba, whether it's Kuya A, Ate A, Mr. A, Ms. A, Author, Ughthor, Kuya Author, Ate Author, and some even started calling me Attorney ( ͡° ͜ʖ ͡°) pero pinaka-natuwa talaga ako is when someone message me and she started calling me Authorney which is so cute and unique, I really like it :>> Istg kayo nalang siguro ang dahilan kaya sumasaya ako, wala lang skl, anyways enjoy reading -Authorney A

---

"Mommy!" my son started running towards me.

Umupo ako para pantayan siya, mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil bumalot ang maliliit niyang mga bisig sa akin, niyakap ko siya pabalik at binuhat.

"Si AA malambing lang kay Mommy Audrei niya" usyoso ng tagabantay ng daycare na kaibigan ko.

Tumingin ng masama si AA sakan'ya kaya sinuway ko ito.

"Ay! Don't look at ma'am Jamie like that anak" suway ko sakan'ya kaya tumingin ito sa akin.

My son, Aleandro Andre Asuncion, AA for short, mahigit tatlong taong gulang na ito at nasa daycare na. He got most of his looks from his father, from his eye shape, nose, lips, face shape, and even his hair texture, ang tanging hindi lang siguro nito namana ay ang abuhing mata ni Alejandro because AA have dark eyes like mine.

"Uwi na tayo mommy" ipinatong niya ang ulo sa balikat ko.

"Did you do well today?" tanong ko.

"Uhuh" bulong niya.

Tumingin naman ako kay Jamie "Makulit ba?" tanong ko.

Tipid itong ngumiti at tumango "Oo, muntikan nanamang makipag away sa kaklase" natatawa niyang ani.

Napabuntong hininga ako, pati ata ugali ay namana niya sa ama dahil ang galing nitong makipag away, minsan nga ay nakikipag debate sa mga kaklase kahit na wala naman masyadong katuturan ang pinagaawayan nila kagaya ng ano ang mas masarap na flavor ng pancit canton o ano kung mas masarap ba ang Bubble gum o lollipop.

May ilang beses kasi na nakipag debate ito sa kaklase, sabi ng kaklase niya mas masarap ang original flavor na pancit canton pero sabi niya mas masarap ang chilimansi at ang batang ito nagbigay pa ng mga ebidensya gaya ng mas may lasa ang chilimansi. Manang mana talaga.

"Anak huwag ka nakikipag-away" hinimas ko ang ulo nito "Say bye to ma'am Jamie" utos ko.

Umiling pa ito at nagsuplado.

"Ay!" pagbabanta ko.

Bumuntong hininga naman ito at tumingin kay Jamie at nagpaalam na.

"Bye ma'am Jamie"

Nagpaalam na rin ako at umalis na kami "How's your day anak?" tanong ko habang ibinaba siya dahil mas lalo akong mapapagod kapag bubuhatin ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at nag lakad na kami papauwi

"It's okay, I know how to sing twinkle twinkle " nagagalak niyang ani.

"Okay let me hear" utos ko dito.

Tumikhim siya at nagsimula ng kumanta "Twinkle Twinkle little star, how I wonder what you are"

Napa kagat labi ako at pinipigilang hindi matawa, hindi ko pagtatakpan ang anak ko, aaminin ko na sintonado talaga siyang kumanta at madalas kinakapos sa hininga. Hindi niya namana ang disenteng boses ko pagdating sa kantahan, siguro namana niya sa ama niyang halimaw.

"... up above the world so high, like a diamond in the sky" napapalakpak pa ito.

"Wow, very good, ang galing mo kumanta" labas sa ilong kong papuri.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now