CHAPTER 8

20.4K 399 27
                                    

AUDREI'S POV

Tulala akong naglalakad papasok sa trabaho.

" 'drei ayos ka lang " Napalingon ako at napagtanto na si Aila pala iyon.

Napatango-tango ako "Oo ayos lang"

"Pansin ko ang namlay ko nitong mga nakaraan araw" nagaalalang aniya.

"P-pagod lang siguro" ngumiti ako ng pilit.

Nitong mga nakaraang araw simula nang sabihin sa akin iyon ni Attorney ay hindi na iyon matanggal sa isip ko, sa totoo lang ay ayaw ko talaga, ayaw kong ibigay ang sarili ko kapalit sa pagpapalaya kay papa sa krimeng hindi niya naman ginawa.

Ni-hindi na ako maka-isip ng matuwid, hindi na rin ako maka-kain ng maayos.

Inaamin kong natatakot ako lalo na kay Papa noong sinabi sa akin iyon ni Attorney, he blackmailed me, nagigipit ako, he wanted me for himself, akala ko ba mapagkakatiwalaan ko siya matapos niyang sabihing gusto niya akong tulungan.

He's horrible, hindi niya man lang inisip ang nararamdaman ko, he made me feel so low when he asked me to fuck him. Kung maka-hingi siya ng pabor ang parang ang babaw lang nito.

Sabagay, paniguradong mababaw ang ang sex para sa kaniya, he doesn't treasure it dahil mula sa itsura niya palang ay alam mo na na lapitin siya but for me, I treasure is so much, it should be intimate at hindi iyong parang ginagawang laro lang.

Alam ko naman na sa panahon na ito ay uso na ang casual sex pero hindi ko talaga gusto ang idea na iyon. I value myself so much.

I don't like the idea of giving my virginity to man who blackmailed me for sex,I think that is kinda 'rape-y'.

Abogado siya pero siya ang unang lumalabag sa batas, What a fucking hypocrite he is, hindi na ba siya nahiya?

Pumunta na ako sa station ko at nagsimulang mag-trabaho at sinubukan ko ng mag-concentrate.

Sa loob ng labing-anim na oras ay iginugol ko ang sarili ko sa trabaho,sinubukan kong huwag munang isipin ang mga problema ko pero patuloy pa rin itong nagpa-pop out sa utak ko.

Lumipas ang oras ay naramdaman ko nanaman ang pamilyar na sakit sa likod ko, konting tiis nalang talaga ang magreresign na ako dito.

Hindi naman kasi pagiging call center agent ang pinangarap ko, graduate ako sa kursong BS Psychology at gusto ko sana mag-trabaho sa banko kaso dahil kailangang kailangan ko na talaga dating magkaroon ng kuta ay sinunggaban ko na ang pagiging isang call center agent.

Inilibot ko ang ulo ko, halos wala na rin palang mga tao, time out na, iniunat ko ang kamay at paa ko, kinuha ko ang shoulder bag ko at binuksan ito.

Inilabas ko ang Phone ko para I-check kung may message ba, mula kasi noong hindi ko nabasa ang messages ni Attorney Alejandro hindi ko na kayang hindi I-check ang phone ko.

Nakita ko na may nag-message sa akin pero unregistered number ito at kaninang hapon ito.

'Hi Audrei, this is Victor Chua, could we talk tomorrow? I just need to tell you something regarding on your father's case and also to the upcoming prosecution'

Napakagad labi ako at napahawak ng mahigpit sa Phone ko, what could it be this time.

Kahit na late na ay magre-reply nalang ako. Ngayon ay hindi ko na hinahayaan na maubusan ako ng load. Nag load na ako ng 200 pesos para hindi ako agad maubusan.

'Sure po, anong oras at saan?' I clicked send.

Dinilaan ko ang labi ko na bahagyang nanuyo, hinagod ko ang ilang hibla ng buhok sa tumatakip sa mukha ko. Naramdaman ko ang pagvibbrate ng Phone ko.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now