Chapter 1: The project

2.6K 58 4
                                    

Tapos na ang klase kaya naman lumabas na ako sa building na 'yon. Nakakabagot naman dito, tss. Habang nag lalakad ako ay napadaan ako sa gym at nakita ko doon si Shiro.

"Ash!" Pagtawag nya saakin. Ngumiti ako at saka lumapit sa kanya.

"May training kayo?" Tanong ko. Naka suot pa sya ng jersey.

"Oo, alam mo naman, malapit na yung laban" Natatawa nyang sabi.

"Good job Captain" I salute. Natawa lang sya.

"Uuwi ka na?" Nag punas Muna sya ng pawis nya.

"Oo, malapit nang mag gabi" Sabi ko habang nakatingin sa relo ko.

"Yanna!" Narinig ko kaagad yung boses ni Sheena.

"Uy twin! Isabay mo 'tong si Lorein pauwi" Utos ni Shiro kay Sheena.

"Okay, twin. Let's go na, yanna" She Smiled at me.

"Bye Shiro!" I waved my hand at him. Umalis na kami doon ni Sheena.

"Girl, you know may balak akong mag apply sa Dawson Company, kapag nakapasa" Sabi nya habang panguso nguso pa.

Dawson Company.

Ano 'yon?

"Saan 'yon? Malayo ba?" Tanong ko habang nag lalakad kami.

"Dawson Company! Omygod! Hindi mo ba alam 'yon?" Tanong nya saakin.

"Mag tatanong ba ako kung alam ko?" Tanong ko din sa kanya. Tumawa sya sabay hampas saakin.

"Saan kayo pupunta?" Napalingon kami ni Sheena sa likod namin. "Anduga nyo ha!" Pagdadabog ni Cindy. Tinarayan naman sya ni Sheena.

"Saan naman kami pupunta?, Tss" Sabi ni Sheena kay Cindy.

"Uwi na ako" Paalam ko at hindi na sila hinintay pa na sumagot.

"Hey! Pinapasabay ka saakin ni twin!" Rinig kong sabi ni Sheena. Nag wave na lang ako ng hand ko patalikod at nag lakad na paalis doon. Pag uwi ko ng unit ko ay nag linis kaagad ako. Napakakalat. Binuksan ko yung tv at nanood na lang ng balita habang nag lilinis.

***

Habang nagleleksyon si Prof ay nakinig na lang ako kahit dinadaldal ako nitong katabi ko.

"So you have a project, class" Sabi ni Prof at may ipinakita saamin. "Sa mga hindi nakakaalam, si Mr. Dawson ang may ari ng University na ito" Anong connect no'n sa project namin?

"Eh, ano po yung project Prof?" Tanong ng kaklase ko. Ngumiti si Prof sa lahat. Nakakainis yung ngiti nya, panot ba naman.

"Kung sino ang maka usap kay Mr. Dawson ay tataasan ko ang grade" Pambobola nya sa lahat. Bakit naman kakausapin? May inilabas syang paper at ipinakita sa lahat. "Ibinigay ito ng Principal kanina, nag meeting kami na kung sino man ang maka usap kay Mr. Dawson ay binigyan ng mataas na grado" Kakausapin lang?

"Ano namang sasabihin?" Barumbadong tanong ko.

"Papapirmahin nyo sya dito sa papel na ibinigay ng Principal" Ngumiti ulit sya. Tumayo ako at tiningnan yung paper. Naningkit pa ang mata ko habang tinitingnan 'yon. Tungkol sa kasunduan ng University at ng kabilang University? Kailangang pumirma ni Mr. Dawson dito para malaman nya na makikipag kasundo ang school na ito sa ibang University? Eh si Mr. Dawson naman ang may ari kaya alam kong sya lang ang mag disisyon kung gusto nyang pumirma. Bakit naman nila pipilitin? Tss.

"Gusto mo subukan?" Tanong ng panot na 'to. Tumango na lang ako at kinuha na yung papel sa kamay nya bago umupo. Marami ding kumuha ng paper na iyon pero isa isa lang kaming susubok at hindi sabay-sabay.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now