Chapter 45: No time

518 15 0
                                    

Tatlong bwan na ang nakalipas at habang patagal nang patagal ay nawawalan na ng oras sa akin si Kian. Alam ko naman kung ano ang kinabi-busy-han n'ya. Kundi ang pag t-trabaho. Kaya minsan ay ako na lang ang pumupunta sa kan'ya sa office n'ya mismo at tinutulungan s'yang tapusin ang mga ginagawa n'ya.

Kapag maaga naman s'yang natapos sa ginagawa n'ya ay lumalabas kaming dalawa at nag eenjoy sa mall dahil iyon ang pambawi n'ya.

Kinuha ko 'yung phone ko para tawagan si Kian. Nag ring lang iyon at walang sumasagot. Busy na naman s'ya. Tumayo ako sa sofa dito sa office ni Mom at kinuha 'yung sling bag ko.

"Where's are you going, Darling?" Tanong ni Mom.

"Kian's office, Mom" Sagot ko naman.

"Okay, take care" Bumeso ako kay Mom bago ako umalis sa office n'ya.

"Good afternoon Ma'am Veronica" Bati nila at yumuko pa. Ngumiti ako sa kanila at sinuot na 'yung shades ko. Paglabas ko sa company ay naisipan ko na lang na sumakay sa Jeep. Ayokong hiramin 'yung kotse ni isa kina Kuya.

Paparahin ko na sana 'yung Jeep kaso lang ay may humintong sasakyan sa harap ko. Nang bumaba 'yung bintana ay nakita ko si Xyver.

"Sa'n ka?" Tanong naman n'ya.

"Sa company ni Kian" Sagot ko naman.

"Sakay na" Sabi n'ya habang nakangiti. Hindi na ako tumanggi at binuksan na 'yung pinto sa likod. Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita si Sol doon.

"Sol? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman at tumabi sa kan'ya. Nag drive naman si Xyver paalis.

"Hi" Ngumiti s'ya. "Nag kita kami ni Xyver kanina. Nakwento kita sa kan'ya tapos nalaman kong mag kaibigan din pala kayo"

"Huh? Mag kaibigan din kayo?" Tanong ko. Tumango silang dalawa.

"Mag kaklase kami nung highschool tapos nung first year college kami" Sagot ni Xyver. Napatango na lang ako. Ang galing naman!

"Saan ka pupunta, Sol?" Tanong ko sa kan'ya. Mukang busy s'ya sa phone n'ya at sinusubukang tawagan si Kenny.

"Sa company din, hindi kasi sumasagot si Ken sa mga tawag ko" Nalungkot pa s'yang nang sabihin n'ya iyon.

"Parehas lang pala tayo" Sabi ko naman.

"Oh ano? Ghinost na kayo ng asawa n'yo" Tumatawang sabi ni Xyver kaya naman sinamaan namin s'ya ng tingin ni Sol. "J-joke lang!"

Pagdating sa tapat ng kumpanya ay bumaba kaagad kami ni Sol.

"Salamat ha" Sabi ko kay Xyver.

"Anong salamat? May bayad 'yun uy! Ang mahal kaya ng gas" Reklamo n'ya.

"Oh" Inabutan ni Sol si Xyver ng 500.

"Sa'n 'yung sa'yo Yanna?" Nilahad n'ya 'yung kamay n'ya sa harao ko. Inabutan ko na lang s'ya ng 500.

"Grabeng driver 'to, 500 isang tao amputa" Sabi naman ni Sol at hinampas ng bag sa muka si Xyver.

"Aray ha!"

"Ang mahal mo maningil!" Sinabunutan ko naman s'ya.

"Tara na nga, Ash" Banas na sabi ni Sol. Sumunod na lang ako sa kan'ya.

"Kuripot talaga kayong dalawa! Pasalamat nga kayo hinatid ko pa kayo dito eh!" Sigaw ni Xyver, pero hindi na lang namin pinansin.

"Good afternoon Mrs. Dawsons"

"Ang ganda talaga nila"

"Nakakainggit naman sila"

"Bakit naman?"

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon