Chapter 26: Confession

620 22 1
                                    

Pagkalabas ko sa room ay dumiretso na ako sa cafeteria dahil nagugutom na ako. Hindi ako nakapag almusal dahil muntik na akong ma-late kanina.

Pagdating sa cafeteria ay si Xyver at si Shiro lang ang nandoon. Pero Wala si Cindy at Sheena. Um-order muna ako ng food at hinintay na lang 'yon. Nang naibigay na sa 'kin ay binayaran ko na at umupo sa pwesto nila.

"Si Cindy?" Tanong ko nang makaupo na ako.

"Busy sa practice nila. Malapit na 'yung laban ng school natin, eh." Sabi ni Shiro. Cheerleader nga pala si Cindy. "Si twin naman, Ewan. Broken yata" Walang emosyon n'yang sabi. Nag break na si Sheena at 'yung boyfriend n'ya? Tumango na lang ako. Kumain na lang ako doon habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

"Yanna, busy ka ba?" Tanong ni Xyver sa akin. Umiling ako.

"Hindi naman. May kaunti lang akong tatapusin sa office tapos uuwi na din ako" Paliwanag ko. Tapos na akong kumain kaya kinuha ko na 'yung gamit ko.

"Uuwi ka na kaagad, Ash?" Tanong ni Shiro.

"Oo, sa office ako dideretso" Ngumiti ako. Muka namang naging malungkot 'yung muka nung dalawa. "Ano ba kayo, wag kayong malungkot. Baka free ako bukas. Gala tayo" Kinindatan ko silang dalawa.

"We? Seryoso ka ha?" Tanong pa ni Shiro.

"Oo naman!"

"Sige, sabi mo 'yan, ha! Bye!" Si Xyver.

"Bye!" Umalis na ako doon at dumiretso sa parking lot. Nakita ko naman doon si Haze at Harper.

"Hi ma'am!" Bati ni Harper. "Fresh ah?"

"Ganda mo ma'am!" Si Haze. Nambola pa! Tumawa ako at pumasok na sa loob ng kotse.

"Nasa office ba si Madi?" Tanong ko at binuksan 'yung librong nasa tabi ko.

"Yes ma'am, kanina pa po s'yang umaga nandoon" Sabi ni Harper. Tumango ako. Mainit na naman kaya 'yung ulo ni Kian? Or baka hindi na dahil nand'yan na si Madi?

"May meeting ba kanina?" Natandaan kong may meeting ngayong araw, pero nasa university ako kanina kaya hindi ako nakasama.

"Meron ma'am, sasabihin na lang po sa'yo ni boss mamaya kung anong napag usapan sa meeting room" Si Haze.

Nang makarating sa company ay pumunta na kaagad ako sa office ni Kian. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na kaagad sa akin si Madi na nakaharap kay Kian at mukang masayang nag uusap. Napatingin sa akin si Kian pero ibinalik din kaagad kay Madi. Pumasok na ako at umupo sa tapat desk ko. Ginawa ko lang 'yung gagawin ko doon. Pagkatapos nito, uuwi na din ako. Day off ko naman bukas kaya makakasama ko sina Shiro.

Ilang oras na simula nung umalis si Madi, pero parang wala ako dito dahil hindi ako kinakausap ni Kian. Bakit ba parang galit na naman s'ya? Hindi ko s'ya maintindihan.

Kinuha ko na 'yung gamit ko at walang sabing lumabas sa office n'ya. Paglabas ko ay nakita ko sina Harper at Noah.

"Oh, ma'am. Uuwi ka na?" Tanong ni Noah.

"Hindi mo hihintayin si boss?" Tanong ni Harper.

"Mukang busy s'ya, mamaya pa s'ya uuwi kaya mauuna na ako." Sabi ko naman.

"Hatid ka na namin ma'am" Sabi ni Noah. Tumango ako at naglakad na palabas sa company. Pagdating sa parking lot ay sumakay na kaagad ako. Kung alam kong onti lang ang gagawin ko sa office, sana pala sa mansion ko na lang ginawa iyon.

Pagdating sa mansion ay pumasok na ako. Nakita ko si Aki na nakaupo doon, kasama si Raelyn.

"Hi ma'am" Bati ni Aki.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now