Chapter 25: He already knows

666 23 0
                                    

Kakatapos lang ng klase namin kaya balak ko nang pumunta sa company ni Kian. Pero, medyo matagal na noong huli kaming nag kita-kita ng mga kaibigan ko. Nandito kaya sila ngayon?

Kinuha ko na kaagad 'yung gamit ko tsaka lumabas sa room. Napatigil ako nang may humarang sa akin. Tumingin ako sa harap ko at nakita ko si Sophia. Parang bumalik lahat sa isip ko kung ano 'yung nangyari noong nakaraan. Napalunok ako tsaka umiwas ng tingin.

"Hey, Yanna. How are you?" She sarcastically asked.

"I'm fine." Sagot ko. Napapaisip pa rin ako kung bakit nandoon s'ya noong gabing iyon. At may dala pang baril. Naguguluhan pa rin ako sa lahat.

"Oh, nice. Have a great day" Ngumiti s'ya bago umalis. Ganoon ang asta n'ya dahil alam n'yang kinakabahan ako. Nilingon ko s'ya sa likod ko at ngumisi naman s'ya sa akin. Kilala n'ya si Kian kaya maaring naroon s'ya noong gabi dahil ang sadya n'ya lang doon ay si Kian.

Naglakad na lang ako paalis doon habang iniisip pa rin ang lahat. Si Kian, napapadalas pa rin ang pag alis. Hay nako, ano naman kaya ang ginagawa no'n?

Pagdating ko sa cafeteria ay hindi nga ako nag kamali na nandoon sila. Lumapit kaagad ako at umupo sa harap nila. Kinalimutan ko na lang muna 'yung iniisip ko kanina.

"Omygod! Sa wakas, nag pakita ka din! We missed you!!" Kaagad na lumapit si Sheena. Napangiti naman ako.

"Ashhh! Aylabyu Ashh!" Niyakap din ako ni Shiro.

"Omygod, Yanna!" Para namang naiiyak si Cindy.

"Na-miss kita" Nangiting sabi ni Xyver.

"Na-miss ko din kayo, busy lang talaga. Sorry" I smiled again. Umupo na 'yung kambal. Nakatingin sila sa akin ngayon kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Mag kwento ka naman!" Exited na sabi ni Cindy.

"Anong kwento?" Tanong ko.

"Your love life, kayo ni Mr. Dawson" Kinikilig naman si Sheena. Love life?

"Wala ako n'yan." Sagot ko at nag order na lang ng food. Tinawag ko 'yung waiter at inorder 'yung gusto kong food.

"What?! 7 Months with him, hindi ka pa rin inlove?!" Gulat na tanong ni Sheena. Umiling ako.

"Hindi nga daw, twin" Sabi ni Shiro.

"Shut up!" She rolled her eyes to her brother.

"Ha? Anong sinasabi n'yo? Mag asawa nga sila tapos hindi inlove?" Naguguluhang tanong ni Cindy. Gulat akong tumingin sa kambal. Matagal bago nakasagot si Sheena. Ang daldal naman kasi! Pati ako, nakalimutan ko na 'yung kambal nga lang pala 'yung pinag sabihan ko. Alam Kong macu-curious na naman si Xyver tungkol dito. Arg!

"W-what? Wala ah! Iba pala 'yung tinutukoy namin, sorry. Uhm, yes, 'Hindi pa rin s'ya inlove' Ayun 'yung nabasa ko sa book na binabasa ko kagabi." Ngumiti si Sheena. Nag isip pa talaga ng palusot!

"Hindi ka inlove?" Tanong ni Xyver. Tumingin ako sa kanya. Ano bang isasagot ko? Hindi naman talaga ako inlove.

"May asawa ako" Ayun lang ang naisagot ko. Nang dumating 'yung pagkain ko ay kumain na kaagad ako.

"Pero teka, naguguluhan ako ha! Sabi mo wala kang love life? Tapos may asawa ka? Duh!" Tanong ni Cindy. Umiwas ako ng tingin.

"Hindi Cindy..." Kumamot sa ulo si Shiro. "Iba nga 'yung tinutukoy namin!" Dahil sa pananalita ng kambal, lalo lang kaming nahahalata eh!

"Pero, kahit ba manlang sex hindi n'yo ginawa? Ilang months na kayong kasal ah?" Tanong ni Cindy. Naubo naman ako kaya kaagad kong kinuha 'yung tubig tsaka ininom.

Deal With The Mafia BossKde žijí příběhy. Začni objevovat