Chapter 40: Birthday Gift

542 17 0
                                    

WARNING!⚠️
MEDYO SPG, MEDYO LANG NAMAN.

Ilang araw na rin ang nakaraan matapos kong makita sina Kian at Madi sa private room. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at doon ako sa condo ko tumutuloy ngayon. Hindi din ako nag paparamdam kay Kian, ni hindi ako pumupunta sa kumpanya n'ya para lang hindi s'ya makita.

Nasaktan lang din naman ako sa nakita ko.

Napailing ako sa sarili ko.

"Yanna, pst!" Tawag sa akin ni Xyver habang papalapit sa upuan ko.

"Bakit nandito ka?" Kakaalis lang ng professor namin tapos nandito kaagad s'ya.

"H-hi Xyver" Bati ng isa sa mga kaklase ko na may gusto kay Xyver. Tiningnan lang s'ya ni Xyver at 'di pinansin.

"Tara na, kain tayo. Libre ko" Ngumiti s'ya at kinuha ang bag ko tsaka ako hinatak sa kinauupuan ko. Nag pahila na lang ako sa kan'ya dahil gutom na ako.

Pagdating sa cafeteria ay may mga pinag ku-kuwentuhan kami ni Xyver. Hindi pa kami nakakahanap ng pwesto namin ay biglang nag vibrate 'yung phone ko. Kinuha ko iyon gamit ang isa kong kamay.

From: Kian

Holding hands with him huh?

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa isa kong kamay. Argh! Ngayon ko lang narealized na mag kahawak pala ang mga kamay namin ni Xyver. Inalis ko iyon sa pagkakahawak n'ya.

Tsaka sandali...

Kaagad akong napalingon sa paligid. Nagulat ako nang makitang nakaupo si Kian, hindi kalayuan sa amin. Taranta akong pumunta sa likod ni Xyver at hinatak s'ya paalis sa cafeteria.

"Uy! Sa'n tayo pupunta?" Tanong n'ya nang huminto na kami. Hiningal ako doon ah!

"Si... Si Kian" Kinakapos ako sa hangin.

"Ha? Bakit?" Tumingin s'ya sa paligid.

"Nakita ko s'ya sa loob ng cafeteria" Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Mukang nagulat din s'ya.

"Ano!? Nakita ba tayo?" Tanong n'ya. Tumango ako. "Sige, ako kakausap. Baka magalit sa nakita n'ya eh. Sandali lang" Tumalikod s'ya sa akin at may kung anong kinukuha sa bag n'ya.

Nagulat ako nang may biglang humatak sa akin palayo sa lugar na iyon.

"Hoy! Bitawan mo nga ako! Sino ka ba? Gusto mo bang sapakin kita!?" Inis kong sabi sa kung sino man itong humila sa akin. "Sabing--!"

"Just shut up." Sandali... Si Kian? Wahhh!! Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaaqaaking humahatak sa akin. Apat na araw ko din s'yang hindi nakita. Malay ko bang pinaiba n'ya ang style ng hair n'ya, 'di ko tuloy s'ya nakilala.

"A-ano bang ginagawa mo rito?" Hinila ko ang kamay ko para alisin sa pagkakahawak n'ya. Nandito kami ngayon sa likod ng building ng university. Walang tao dito dahil ang karamihan ay nasa gym.

"I miss you." Umiwas s'ya ng tingin. Pakiramdam ko ay uminit ang ihip ng hangin.

"Umalis ka na, mag sisimula na ang klase ko." Tumalikod na ako sa kan'ya, kaso lang ay bigla n'yang hinatak ang kamay ko kaya napaharap ako sa kan'ya. "Bitawan mo ako"

"No." Seryoso s'yang nakatingin sa akin.

"Anong No? Alis!" Tinabig ko ang kamay n'ya.

"Let's talk, Lorein." Seryoso n'yang sabi. Lorein huh? Napataray ako sa kawalan.

"I have to go, Kian." Tumalikod ulit ako sa kan'ya. Naramdaman kong yumakap s'ya sa likod ko.

"Please, let's talk" Bumaba ang tono ng boses n'ya.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon