Chapter 9: Cake

913 28 0
                                    

Kakagising ko lang at napabangon na kaagad dahil sa narinig na pag alarm ng phone ko. Wala namang pasok ngayon sa office kaya nandito ako. Si Kian, nasa office. Sunday ngayon pero ayaw nyang mag pahinga. Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Bumangon na ako at nag naligo muna bago bumaba.

Pagkababa ko, nakita ko yung tatlo doon na busy-ng busy at mukang seryoso sa mga ginagawa nila.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila saakin.

"Oo ma'am" Sagot naman ni Ethan. "Ikaw ma'am?"

"Kakain pa lang" Ngumiti ako at pumunta na sa kitchen. Binuksan ko yung ref para mag luto ng ibang dish. Naisipan ko na lang na mag luto ng sinigang.

"Tulungan ka na namin ma'am!" Sabi ni Noah at tumayo na silang tatlo tsaka lumapit saakin.

"Hindi na, kaya ko na--"

"Dapat sa 'yo ma'am, nag papahinga" Tinulak ni Harper yung likod ko paupo sa sofa. Na pahinga na lang ako ng malalim at tumango. Nag simula na silang mag luto doon kaya inantay ko na lang. Napatingin ako sa galawan ni Harper. Muka syang chef dahil sa pagluluto nya. Hinahagis nya pa yung kutsilyo pataas at sinalo 'yon.

"Ready na ma'am!" Sigaw ni Harper kaya tumayo ako at lumapit sa kanila. Tinikman ko na muna 'yon. Tumingin ako sa kanilang tatlo.

"Ang sarap, paano nyo natutunan mag luto?" Nakangiti kong tanong sa kanila habang tinitikman yung sinigang.

"Chef si Harper ma'am kaya magaling mag luto" Sabi ni Noah.

"Kinilig naman ako sa papuri mo" Nakangiting sabi ni Harper.

"Amputcha! Hindi kaya masarap yung spaghetti na ginawa mo!" Sabi ni Ethan.

"Hoy! Dati pa 'yon, hindi pa ako marunong mag luto noon!" Sabi naman ni Harper.

"Mas maganda kung sasaluhan nyo ako dito" Sabi ko at nag hain na sa mesa.

"Kakatapos lang namin ma'am!" Sabi ni Noah.

"Salamat na lang ma'am" Sabi naman ni Harper.

"Tangina nyo, kain na tayo!" Si Ethan at nauna na sa mesa. Sumunod naman ako sa kanya.

"Gago, muka ka talagang pagkain!" Sabi pa ni Noah. Tumawa ako at kumain na. Umupo din sila at kumain doon. Nang matapos ay sila na ang nag prisintang mag hugas ng pinag kainan namin. Napatigil ako nang makita yung oven sa gilid.

"Noah, gumagana pa ba yung oven?" Tanong ko sa kanila at nilapitan 'yon.

"Ah, oo ma'am. Noong isang bwan lang yan binili. Nag bebake kami kasi minsan gusto ni boss ng pie" Tinuloy na nya yung pag huhugas.

"Buko pie?" Tanong ko.

"Oo ma'am" Sagot ni Ethan. Tumango tango ako.

"Pakisamahan ako sa mall" Umakyat na ako sa kwarto ko para kunin yung wallet ko at bumaba din kaagad.

"Tara na ma'am" Aya ni . Sumunod naman kami sa kanya at sumakay na sa kotse. Nag drive si Noah papuntang mall. Nang makarating doon ay pumasok kaagad kami. "Anong gagawin mo ma'am?"

"Groceries" Sagot ko naman. Pumasok na kami sa main store. Si Ethan ang kumuha ng pushcart at itinulak iyon. Pumili na ako ng mga kukunin ko. Kumuha ako ng meat at ng mga ingredients para sa mga kinuha ko. Balak kong gumawa ng cake mamaya. Mahilig akong mag bake dati pero itinigil ko dahil naaalala ko lang doon si lolo. At kapag naalala ko sya, umiiyak ako. Ang sabi nya noong nawala sya, Huwag kang iiyak, apo. Maging masaya ka kahit wala na ako. Wag mo akong alalahanin, ayos lang ako.

Hindi ko na lang inalala 'yong mga 'yon dahil naramdaman kong luluha na naman ako.

"Sa kabilang section lang ako" Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now