Chapter 54: Event

529 18 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at napagdesisyonan ni daddy na mag paparty bukas dahil malapit na ang vocation ng mga employees n'ya. Umupo ako sa couch ng office ko at binasa ang mga binigay na documents ni mom. Napahilot na lang ako sa ulo ko.

Madali nga ang project dahil si Kian naman ang kumikilos para sa lahat, eh hindi ko naman alam ang gagawin at nag hihintay lang ako ng ipapagawa n'ya para may maitulong ako. Kaso lang, ina-update n'ya lang ako sa mga ginagawa n'ya.

Napatingin ako nang mag ring ang phone ko.

"Hello?" Tanong ko nang hindi lumilingon sa number nito.

[Hey, Ash, punta ka daw sa office ni Kian] Sabi ni Kenny. Huh!? May number naman n'ya ako, ah?!

"Pakisabing itext na lang n'ya sa akin, 'yung sasabihin n'ya. Paubos na ang gas ng kotse ko" Hindi ko pa kasi napapagas-an 'yon dahil nakalimutan ko nga kagabi.

[Sunduin kita?] Ang kulit naman!

"Wag na! Ako na ang pupunta!" Padabog kong binaba ang phone ko. Tinawagan ko naman si Kian, pero nakapatay ang phone n'ya. Kailangan ko talagang pumunta doon! Kinuha ko na 'yung sling bag ko at padabog na umalis sa office ko.

Pagsakay ko sa kotse ko ay pinaandar ko na kaagad. Pagdating sa company n'ya ay kumatok na ako sa door n'ya.

"Come in." Rinig kong sabi n'ya. Binuksan ko 'yung pinto at nakitang nakaupo silang dalawa ni Madi sa couch. Nakasandal si Madi sa balikat ni Kian. Poker face lang ako nang pumasok sa loob.

"Hi Lorein!" Bati ni Madi nang makita ako.

"Hi" Ngumiti ako.

Sa totoo lang, may iba akong nararamdaman sa tuwing nakikita kong magkasama silang dalawa. Parang kumikirot ang puso ko. Pero alam kong nag taksil silang dalawa. Galit na galit ako sa kanilang dalawa. Bakit ba nag kita pa ulit kami? Sana hindi na lang. Bumabalik lang lahat nang ala-ala sa isip ko. Kung paano nila pinatay ang kuya ko. Masakit pa din sa akin na nawalan ako ng kuya. Kahit saglit lang kaming nag kasama ni kuya, mahal na mahal ko na kaagad sila ni ate.

"Mag-usap na kayo, dito lang ako" Ngumiti pa rin si Madi. Hindi n'ya ba nahahalata na naiinis ako sa ngiti n'ya? Ngiting taksil. Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin s'ya nag babago? Plastic pa din? Kakaiba talaga s'ya. Parehas sila ni Kian. Ang masama, kailan man, hindi na mag babago pa.

"Okay, just rest here" Ngumiti si Kian sa kan'ya. 'Yung ngiting sa akin n'ya lang ipinapakita dati. Nakita kong lumapit si Kian sa muka ni Madi, parang hahalikan yata kaya umiwas na ako ng tingin. Wag nila sabihing nasira ko ang moment nila?

"Let's start, Mr. Dawson. May pupuntahan pa ako." Masungit kong sabi at umupo na sa tapat ng table n'ya. Umupo din naman s'ya sa tapat ko.

May ilan lang s'yang sinabi sa akin at ipinaliwanag, pero tumagal iyon ng dalawang oras dahil sa mga tanong ko. Naipaliwanag naman n'ya ang lahat kaya malinaw na sa akin.

"Thanks, pwede na ba ako umuwi?" I asked him.

"Wag ka muna umuwi Lorein, let's eat muna sa malapit na Restaurant here at the company" Sabi ni Madi at pumunta sa likod ni Kian, humawak s'ya sa balikat nito.

"Hindi na, may kasabay din akong kakain" Sabi ko naman.

"Who?" Malamig na tanong ni Kian.

"Si Xyver, susunduin n'ya ako dito" Ngumiti ako.

"Sumama ka na sa 'min." Sabi ni Kian at tumayo.

"Hindi--"

"Period." Nag lakad s'ya palabas sa office.

"Honey! Hintayin mo kami!" Sabi naman ni Madi. "Sorry sa pinakita n'ya, mainit talaga ang ulo n'ya ngayon" Hinatak na n'ya ako palabas sa office. Feeling close?! Kinuha ko ang braso ko mula sa kamay n'ya.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now