Chapter 38: Launching

502 13 0
                                    

NOAH'S POV

"Ayan na naman sila at nag papapakan sa sofa" Huminga ng malalim si Harper. Sabay sabay kaming tumingin sa sofa at nakita ngang nag hahalikan si ma'am at si boss. Natawa na lang ako dahil sa mga reaksyon ng anim.

"Nakailang halikan na kaya sila?" Curious na tanong ni Haze.

"Naiinggit ka 'no?" Tanong ni Ethan. "Ihanap kaya kita ng girls? May kilala ako!"

Tumingin kami sa kan'ya.

"Tangina, 'di ko kaya mga babae mo!" Umiling kaagad si Haze.

"Paanong 'di mo kaya?" Tanong ni Jade.

"A-ang wild kasi! Ayoko ng gano'n, dapat ako lang 'yung malandi sa'min!" Sabi naman n'ya kaya tinawanan namin s'ya.

"Takot pala 'to!" Tumawa na naman si Tyler.

"Namo!" Sigaw ni Haze. Napansin kong tumayo sina boss kaya tumayo din ako par sundan sila sa taas.

"Boss--" Natigilan ako nang bigla na naman silang mag halikan, Hindi pa nga nasasara 'yung pintuan, eh. "Ahh... Ma'am--" Biglang sumara ng malakas 'yung pinto dahil sinipa iyon ni ma'am at narinig ko ang pag lo-lock nila nito sa loob. Hala! Tumakbo kaagad ako pababa at nilapitan sila.

"Ano, nakausap mo si boss?" Tanong ni Montere. Umiling ako.

"Ayon, kakausapin ko sana kaso lang, hindi pa nasasara 'yung pintuan, nag halikan ulit" Napakamot ako sa batok ko. "Nilock nga 'yung pinto"

"Ay? Hala anong gagawin nila?"

"Nilock daw 'yung pinto"

"What? Omygod!"

"Tara pakinggan natin!" Tumayo si Ethan.

"Pambihira ka talaga!" Sabi ni Harper, pero tumayo din.

"Mga gago, baka makita tayo n'yan!" Saway ko sa kanila.

"Alam mo babe, makisama ka minsan" Panlalandi sa akin ni Montere.

"Tss! Bukas na lang natin kausapin si boss. Tutal buo naman na 'yung Plano para sa launching bukas, eh" Sinabi na din ni boss sa lahat na bukas na ang launching. Nakipag meeting na din s'ya kaninang umaga.

"Sabagay" Sagot ni Haze.

"What about Redsnake?" Tanong ni Ethan.

"Syempre may plano na si boss, bukas sasabihin sa atin ng umaga. Nang sa gano'n, mabilis nating magawa 'yung plano" Sabi naman ni Jade.

"Tama" Si Harper.

Habang may ginagawa sila sa loob ay naisipan kong pumunta sa tabi ng swimming pool. Napahinto ako nang biglang makita si Lyn doon. Mukang malalim ang iniisip n'ya kaya naman lumapit ako sa kan'ya.

"May problema?" Napalingon s'ya sa akin at halatang nagulat pa nga.

"N-Noah..." Hindi kaagad s'ya nakasagot.

"Sinong iniisip mo?" Tanong ko.

"Wala, I'm just thinking about the launching" Ngumiti s'ya, pero nahalata ko pa din ang lungkot sa muka n'ya.

"Parang hindi naman 'yan 'yung iniisip mo" Napailing na lang ako. Napabalik ang tingin ko sa kan'ya at kunyaring nag takip ng bibig dahil sa gulat. "Teka... Iniisip mo crush mo? Nag se-secret ka na sa'min ngayon?" OA kong sabi. Natawa naman s'ya.

"Crazy kuyas" Napailing s'ya habang nakangiti at nakatingala sa langit.

"Anong tinitingnan mo d'yan? Kagwapuhan ko?" Kinagat ko ang labi ko at niliitan ang mata para asarin s'ya.

Deal With The Mafia Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें