Chapter 50: Breakup

556 17 0
                                    

Pagkauwi ko kanina galing sa gyera ay nakatulog kaagad ako. Napaupo ako at napatingin sa orasan. 3:00 AM pa lang pala, ang aga kong nagising. Hihiga sana ulit ako, pero biglang bumukas iyung pinto at nakita kong pumasok si Kian. Mukang gising na gising s'ya.

"Kian? Hindi ka pa ba natutulog?" Tanong ko. Umupo s'ya sa tabi ko at umiling. "Matulog ka na dito, maaga ka pa sa office mamaya" Niyakap ko s'ya sa likod n'ya. Humiga na ako, pero nakaupo pa rin s'ya. Napatingin ako sa white t-shirt n'yang may dugo.

"Bakit may dugo sa t-shirt mo?" Taka kong tanong sa kan'ya. Umiwas s'ya ng tingin sa akin. Imposibleng dugo iyon ng mga napatay n'ya kanina, iba ang suot n'ya kanina at sabay din kaming umuwi.

"It's nothing, let's sleep" Ngumiti s'ya sa akin.

"Umalis ka pa ba?" Nakahiga na s'ya ngayon sa tabi ko.

"Yeah, may pinuntahan ako kanina." Yumakap s'ya sa bewang ko.

"Nang gano'ng oras?" Saan naman s'ya pumunta?

"Yes" Sagot n'ya. Hindi na ako umangal pa at natulog na lang habang nakayakap sa kan'ya.

Nagising ako na nakangiti dahil nandito pa si Kian sa tabi ko.

"Honey, gising na!" Sigaw ko para mabilis s'yang magising.

"Fuck, honey" Reklamo n'ya at umupo na din.

"Tayo na" Hinalikan ko s'ya sa labi n'ya bago ako tumayo at hinila s'ya. Dumiretso kaagad kami sa cr para maligo. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag luto ng breakfast. Inihain ko na kaagad iyon sa table. Biglang tumunog 'yung phone ko kaya kinuha ko muna at sinagot.

"Ate?" Tanong ko naman.

[Ash, nand'yan ba si Kuya Ash?]

"Si Kuya Ash? Wala. Hindi ko pa nga s'ya nakikita ngayon. Kagabi lang" Sagot ko naman. "Bakit, Ate?"

[Hindi pa kasi umuuwi ngayon, eh]

"Hindi naman talaga s'ya umuuwi minsan, ah? Baka sa office n'ya natulog kasi maraming gagawin" Umupo na ako sa mesa para kumain. Nakita kong nakatingin sa akin si Kian, pero umiwas din kaagad.

[Wala s'ya sa office, wala din s'ya sa mga hotel room n'ya. May... May ibang pakiramdam kasi ako] Hindi ko alam kung anong sinasabi ni ate.

"Babalitaan ko na lang kayo kapag nakita ko si kuya"

[Thanks] Pinatay ko na 'yung call.

"Kian, nakita mo ba si Kuya Ashro kagabi?" Tanong ko sa tahimik na si Kian.

"Yeah, I saw him last night." Sagot n'ya.

"Wala ba s'yang nasabi kung saan s'ya pupunta?" Bigla s'yang tumayo at pumuntasa kitchen. Napakunot ang noo ko dahil parang masama ang umaga n'ya. Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. "Kian, ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" Hinawakan ko kaagad 'yung noo n'ya. I was shocked when he grabbed my hand. Ang higpit ng hawak n'ya. "K-kian, masakit" Gulat kong sabi. Kaagad n'ya akong binitawan.

"Sorry, hon." Nilagpasan n'ya ako at kinuha na ang gamit n'ya. Lumapit kaagad ako sa kan'ya.

"Hindi ka pa tapos kumain, honey" Tumingin s'ya sa akin at napahinga ng malalim.

"I'm late, hon. I'm going to my office, bye" Humalik s'ya sa labi ko at umalis na. Bakit gano'n ang kilos n'ya? Parang naninibago ako. Hinayaan ko na lang at umupo muna sa sofa.

Nabigla ako nang makita ko si Noah na lasing habang inaalalayan ni Harper at Haze. Nakasunod si Ethan, Haze at Tyler sa kanila. Tumayo ako at nilapitan sila.

"Nasaan si Lyn?" Lumingon ako sa likod nila. Nag paiwan kaya sa warehouse?

"W-wala na si Lyn, ma'am ..." Nakita kong may tumulong luha sa mata ni Noah. Nanginig ako dahil sa narinig ko at tumulo ang hula galing sa mata ko.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now