Chapter 21: Boracay (day 2)

607 23 1
                                    

Simula pagkagising ko kanina ay masaya ako. Dahil siguro sa mga tanawin na nakikita ko dito. Ang ganda kasi dito, parang hindi ko na gugustuhin pang umalis dito. Nakahiga ako ngayon dito sa kama at nag iisip ng pwedeng gawin dito sa resort. Actually hindi ko pa nagawa lahat pero ang dami ko nang nagawa dahil sa sobrang exited ko. Kapag umalis kami dito, mamimiss ko dito.

"Wife, are you okay?" Tanong ni Kian at lumapit tsaka ipinatong yung palad sa noo ko. Kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Wala akong sakit, oa mo" Sabi ko at saka umupo. "Tapos ka na sa ginagawa mo?" Tanong ko.

"Yeah, but, we need to go home tomorrow" Sabi nya habang may tinitingnan sa phone. Paniguradong trabaho na naman 'yon.

"Bakit ba sinamahan mo pa ako dito? Madami naman pala ang gagawin mo sa office" Tumungo ako ng kaunti.

"That's fine, I want to rest too" Sabi nya at inilapag na 'yung phone nya sa kama.

"Mag rerest pero feeling ko mai-stress ka pagbalik natin" Natawa ako ng mahina.

"Yes, I guess" Natawa din sya. Tumunog yung phone nya kaya naman napatingin kami doon. "Excuse me" Sabi nya at tumayo tsaka lumayo at sinagot yung call. Kinuha ko na lang yung cellphone ko tsaka nag scroll sa ig. Maya maya ay lumapit ulit si Kian. "I'm leaving, wife" Sabi nya at binuksan yung maleta nya para kumuha ng tuxedo.

"Saan ka pupunta? Babalik ka ba kaagad?" Tanong ko naman.

"I have a meeting, saglit lang 'to" He smiled. Tumango ako. Tumingin sya sa orasan bago pumunta sa loob ng cr. Paglabas nya ay suot na nya yung tuxedo. "I have to go, wife" Paalam nya at inayos yung suot pati yung sapatos.

"Take care" Sabi ko. Ngumiti sya at umalis na.

Lumabas na lang muna ako sa sa unit namin at bumaba. Naglakad lakad lang ako sa tabing dagat habang pinag mamasdan yung paligid. Hindi ako nag sasawang paulit ulitin na sobrang ganda dito.

"Mrs. Dawson?" Narinig kong sabi noong lalaki kaya napatingin ako sa kanya. "How are you?" Tanong nya pagkalapit.

"I'm fine, Blake" Nakangiti kong sabi. "Ikaw?"

"Okay lang din, sinong kasama mo dito?" Sumabay sya sa akin sa paglalakad.

"Si Kian, may meeting lang sya ngayon kaya nandito ako sa labas" Umupo ako sa may bench at tumabi naman sya sa akin.

"Kian na naman" May binulong sya pero hindi ko naman narinig.

"Ano?" Tanong ko.

Umiling sya. "Wala"

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Kasama ko yung mga kaibigan ko" Sabi naman nya.

"Okay, Christmas break nyo din?" Tumingin ako sa kanya.

"Hindi, may... May pinuntahan lang sila dito" Sabi nya at ngumiti.

Nakipag kwentuhan lang ako sa kanya dahil matagal-tagal ko din syang hindi nakita.

"Ma'am Lorein!" Sigaw ni Noah.

"Una na ako" Paalam ni Blake.

"Sige--" Bigla syang tumakbo paalis. Lumapit naman si Noah at Haze.

"Ma'am bakit ka umalis sa unit?" Nag aala ang boses ni Noah.

"Hinahanap ka ni boss, ma'am!" Sabi ni Haze habang may tinatawagan.

"Ha? Bakit? Anong meron?" Tanong ko at tumayo na para bumalik sa unit.

"A-ano kasi ma'am..."

"Masyado ka kasing pahalatang deputa ka, eh" Sabi ni Haze at binatukan si Noah.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now