Chapter 22: The feelings

629 23 0
                                    

Pagkatapos ng maraming oras ko sa office ay naisipan ko na lang muna na mag pahinga sa room. Tatayo na sana ako pero biglang bumukas yung pinto at nakita kong pumasok si Kian kasama si Madi habang may pinag uusapan. Tuluyan na lang akong tumayo at pumasok na sa room. Sinara ko nang malakas yung pinto at humiga na sa kama. Nakakapagod talaga kapag simula umaga at hanggang gabi ka dito.

Hindi ko manlang natapos yung isa pa dahil hindi ko na talaga kaya. Mamaya pag uwi, gagawin ko na lang 'yon. Pinikit ko na 'yung mata ko dahil inaantok na ako.

Nagising lang ako noong naramdaman kong umaalog 'yung kama. Minulat ko yung mata ko at napaisip kung ano 'yon. Napaka istorbo naman nitong si Kian. Natutulog pa ako, dito pa talaga? Umupo ako at tumingin sa kanya kahit sobrang inaantok pa 'yung mata ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Napatingin sya sa akin at nag madali naman syang nagkumot para takpan 'yon.

"Uh... Nothing" Sagot nya sabay iling.

"Istorbo ka, natutulog pa ako" Tinarayan ko sya at humiga ulit.

"Sorry"

"Ano ba kasi 'yan?" Kunot noo kong tanong. Napaisip muna sya kung ipapakita nya ba sa akin. Inalis nya 'yong kumot at ipinakita sa akin 'yon.

"This" Sabi nya at itinuro.

"Shake?" Tanong ko dahil nakalagay iyon sa plastic bottle. "Bakit inaalog mo pa?"

"Nothin' I want to eat the coconut." Inalog nya ulit 'yon at at tiningnan yung ilalim. Pinapunta nya sa taas yung buko para makain nya. Mahilig pala s'ya sa buko? Hindi ko alam 'yon. Ngayon ko lang sya nakitang kumain no'n. Tumingin sya sa akin pabalik sa shake na nasa plastic bottle. "Do you want to taste it?" Tanong nya.

Umiling ako. "Ang alam ko, hindi ka mahilig sa matamis?" Napatigil s'ya at tumingin ulit sa akin.

"Yeah, I don't eat sweets, but this is my favorite" Ngumiti sya. Palaging nakangiti, halatang in love, eh. Tumango tango na lang ako. Nawala na 'yong antok ko. "Oh, sorry for bothering you"

"Okay lang" Umupo ako at inunat yung katawan ko. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan 'yung oras. 6:45 PM na pala. "Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Let's wait for Madi." Sagot nya. Bakit hihintayin si Madi? Kasama ba namin s'ya pauwi? Hindi ko na lang tinanong 'yon. Tumango ako at tumayo na para mag ayusin yung buhok ko. Ang haba na ng buhok ko, ayoko namang pagupitan dahil sayang. Sinuklay ko na 'yon at lumabas sa room para ayusin 'yung gamit ko. Tiningnan ko muna yung lahat ng folders para icheck kung nagawa ko na ba kanina. Tama, isa na nga lang yung gagawin ko pag uwi.

Biglang bumukas yung pinto, at pumasok si Madi.

"Where's Kian?" Mataray na tanong nya.

"Nasa room" Sagot ko at ngumiti na lang. Naglakad s'ya papunta sa room. Papasok sana s'ya, pero biglang bumukas yung pinto at lumabas doon si Kian habang nakatingin kay Madi.

"Let's go." Sabi ni Kian.

"Sige--" Naputol yung sasabihin ko.

"Okay" Ngumiti at tumango si Madi. Binalik ko na lang yung tingin ko sa files. Si Madi pala, napahiya ako doon, ah!

"Hon, I said let's go" Lumapit si Kian sa akin. Ako daw? Nilagay ko na sa bag yung gamit ko at sumunod sa kanya. Nakita ko na naman yung pamatay na mata ni Madi. Lahat nang tumitingin sa mata nya, Hindi naiinlove eh, kundi natatakot. Grabe kaya s'ya makatingin.

Lumabas na kami sa office at bumaba papunta sa parking lot.

"Mr. Dawson, I think, 9:00 PM yung meeting?" Tanong ni Madi kay Kian.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now