Chapter 19: Crush back

590 17 0
                                    

"Malapit na yung Christmas Break, saan mo naisipan pumunta?" Tanong sa akin ni Cindy habang tinutulungan nya akong iligpit ang gamit ko. Tinapos ko lahat yung project ko ngayon dahil ayokong may isipin pa ako kapag Christmas Break.

"Kakausapin ko pa si Kian" Ngumiti ako at sinuot na 'yung bag ko sa likod.

"Aba, bakit mo naman sya tatanungin? Eh, Ikaw nga yung tinatanong ko kung saan mo ba gustong pumunta" Tumawa sya at sumabay na sa akin mag lakad. Teka, oo nga no? Bakit ko pa tatanungin si Kian? Eh, ako naman ang mag babakasyon, at hindi sya.

Kung may bakasyon man sya, alam kong hindi sya mag papahinga. Mag t-trabaho pa rin sya hanggang sa mapagod sya. Pero para nga syang robot dahil hindi napapagod. Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi na nag salita.

Pagdating sa parking lot ay nakita ko yung tatlo doon na kasama yung tatlo pang body guards pati na din si Raelyn. Ang dami naman nila, susunduin lang ako, kailangan 8 pa sila? Lumapit kami ni Cindy doon. Yumuko naman sila ng kaunti sa akin nang makalapit kami.

"Hi ma'am" Bati nila. Ngumiti ako.

"Ang dami mong alalay, ah" Tinulak tulak ako ni Cindy ng mahina.

"Anong alalay, hindi nya kami alalay. Pogi body guards nya kami" Sabi ni Harper.

"Stop that illusions, Montere" Sabi ni Raelyn.

"Yan, feeling ka na naman kasi dyan, eh" Binatukan ni Noah si Harper.

"Parang mga gago, nangangalay na si ma'am oh, baka gusto nyong papasukin si ma'am" Sabi noong isang body guard.

"Ay oo nga pala! HAHAHAHA sorry ma'am" Sabi ni Ethan. Tumawa din ako.

"Tara na po" Sabi pa noong isang body guard.

"Ingat!" Bumeso si Cindy sa akin.

"Ikaw din" Ngumiti ako at pumasok na. Pinaandar na ni Noah yung sasakyan. "Bakit pala ang dami nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Kasi ma'am, sumama pa 'tong tatlo, bida bida" Sabi ni Noah.

"Luh, epal 'to" Sabi noong isa sa body guards.

"Anong pangalan nyo? Madalas ko kayong nakikita sa mansion" Ngumiti ako. Umayos naman sila ng upo at tumikhim.

"Hi ma'am Lorein, I'm Haze Miller" Pakilala noong isa.

"I'm Jade Falmco" Nakangiting sabi nung isa pa.

"I'm Tyler Lewis" Pakilala pa ng isa.

"Nice to meet you all" Ngumiti ako sa kanila.

"Nice ma'am!" Sabi nila at tumawa. Ang weird nila, bakit sila tumawa? Wala namang nakakatawa doon, tss. Pagdating sa company ay pinagbuksan pa ako ni Haze ng pinto ng sasakyan noong bababa na ako. Ngumiti ako at bumaba na.

Pumasok na ako sa loob habang sila ay nakasunod sa likod ko. Grabe, nakakahiya na 'to. Feeling ko pinagtitinginan ako ng iba. Dati, wala naman akong body guards, eh. Bakit kasi pinasunod pa 'to ni Kian sa akin. Kaya ko namang pumunta dito nang mag isa lang. Hindi naman ako mawawala.

Pagdating sa office nya ay kumatok muna ako. Walang sumagot kaya pumasok na lang ako. Wala pala sya doon. Umupo na lang ako at chineck muna yung laptop ko. Wala namang email kaya, ibig sabihin nito ay wala akong gagawin.

"Boys, nasaan si Kian?" Tanong ko at saglit na tumingin sa kanila, pero ibinalik ko din kaagad iyon sa laptop.

"Nasa kabilang building po ma'am, nag checheck po ng mga papers" Sabi ni Tyler. Tumango na lang ako.

"Ma'am, nagugutom ka po ba? Order na po ba ako ng food mo?" Tanong ni Noah.

"No, busog pa ako" I said while checking my messages. Hindi ko nakita sina Sheena, Shiro at Xyver kanina, ah. Saan kaya sila pumunta? Noong tinanong ko si Cindy kanina, ang sabi nya ay hindi nya alam. Mukang nag bakasyon na yung kambal, ah, tsk.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now