Chapter 20: Boracay

643 22 0
                                    

Pagkagising ko pa lang kanina ay inisip ko na kung saan ko gustong pumunta. Wala naman akong kasama kaya hindi na mahirap 'yon. Tiningnan ko yung laptop ko at nag isip na lang ng pwedeng idagdag sa presentation ko sa meeting. May meeting pa mamayang 9:50 AM kaya minamadali ko nang tapusin ito. Ang hirap kaya gumawa ng qspeech mo kapag nandoon ka na at hindi pa ready.

Nag dadag lang ako ng kaunti doon at sinara na yung laptop. May binigay na folder si Sunny kanina na galing daw kay Mr. Felencio. Masyado syang maraming binibigay na folder, ah. Tiningnan ko na muna iyon at binasa na muna. Gusto nyang makipag meeting sa akin? Bigla namang tumunog yung phone ko kaya napatingin ako doon. Kinuha ko iyon at binasa.

From: Lance Felencio

Meeting, Resca Restaurant. 10:30 AM.

Dito pala kami mag mee-meeting. Medyo malapit naman yung restau kaya okay lang na doon na. Tumingin ako sa oras at nakitang 9:45 AM na. Tumayo na ako at kinuha yung gamit. Lumabas ako sa office at nag tungo na sa board road.

Nasa kabilang building si Kian, tingin ko nasa board room na sya. Nagmadali na akong mag lakad. Pagdating doon ay nakita ko nga si Kian na nakaupo sa harap habang kausap si Madi. Well, mukang nag kakalapit na ulit sila sa isa't isa. Tumingin sa akin si Kian at ngumiti.

Umupo na ako sa tabi nya at hindi na sila pinansin. Binasa ko na lang yung folder na irerepresent ko sa unahan mamaya.

"Oh, what do you think? Okay lang ba ito?" Tanong ni Madi kay Kian. Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam ko yung ginagawa nila. May ipinakitang folder si Madi kay Kian.

"Yeah." Sagot ni Kian at hindi na ulit umimik kahit sobrang daming sinasabi ni Madi.

Maya maya ay sinimulan na ni Kian yung meeting. Tumayo ako at sinabi yung speech ko. Medyo matagal yung meeting kaya tiniis ko na lang. Kasi naman, habang nag p-present ng power point yung iba, nag dadaldalan naman 'tong dalawa, tsk.

Pagkatapos ng meeting ay agad din akong umalis ng walang paalam kay Kian. Dumiretso lang ako sa office nya at inayos saglit yung folder ni Mr. Felencio. Pagkatapos ay tumayo na rin ako at kinuha yung bag ko. Aalis na sana ako pero biglang bumukas yung pinto at nakita ko doon si Kian na kasama si Madi.

"Where are you going, wife?" Tanong ni Kian sa akin.

"Meeting with Mr. Felencio." Sagot ko.

"Wow, so mawawala ka ngayon dito? Sad" She made a sad face, but I know how happy she is. Plastic din pala sya, no?

"Babalik din kaagad ako." Grabe naman sya sa word na mawawala.

"Take care wife" Ngumiti si Kian. Tumango lang ako. Tumalikod na ako at naglakad na palayo. Napatigil ako nang may naalala. Napangisi ako at bumalik muli sa loob.

"Oh, nakalimutan ko" Ngumiti ako at lumapit kay Kian tsaka umaktong hahalikan sya. Medyo malayo sa amin si Madi kaya paniguradong iniisip nyang hinalikan ko 'tong ex nya. Lumayo ako at ngumiti kay Kian. Mukang nagulat pa sya. "Una na ako, hon" Sabi ko at tumingin kay Madi. Muka syang sasabog na dahil sa galit. Ang sama ng tingin nya sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya at lumabas na sa office. Nang makalayo ako doon ay tsaka lang ako nag pakawala ng malakas na tawa. Mabuti na lang at walang tao dito sa part na 'to. Nakakatawa yung reaksyon ni Madi.

Nakita ko si Haze, Harper at Noah. kaya kaagad ko silang tinawag.

"Harper!" Sigaw ko. Napatingin naman sila sa akin tsaka nagsilapitan.

"May kailangan ka ma'am?" Tanong ni Noah.

"Yes. Pakidrive naman ako papunta sa Resca Restaurant" Sabi ko sa kanila.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now