Epilogue

1.1K 18 0
                                    

Nagpacheck up ako kahapon kay Kent at ang sabi n'ya ay two months pregnant na ako. Si Kian naman ay grabe kung makaalaga sa akin.

Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto. Napatingin sa akin ang anim. Nandoon sila dahil pinag bantay sila ni Kian. Ewan ko ba kay Kian kung bakit n'ya ginagawa ito. Eh hindi pa naman malaki ang t'yan ko.

"Ma'am! Bakit hindi mo kami tinawag?" Lumapit kaagad si Harper at Haze para alalayan ako.

"Teka nga" Umatras ako kaya napatigil sila. "Kaya ko pang kumilos, hayaan n'yo na muna ako"

"Pero ma'am, magagalit si boss" Sabi ni Noah.

"Akong bahala" Bumaba na ako, pero sumunod pa rin sila.

"Ma'am! Jusko mag dahan-dahan ka ma'am" Sabi naman ni Ethan. Natawa ako at pumunta sa kitchen. Kinuha ko ang cookies sa ref at kinain iyon.

"Matagal pa ba si Kian?" Tanong ko at umupo sa sofa.

"Mamayang 7:40 pa daw po ang tapos ng work n'ya ma'am" Sabi naman ni Jade.

"Anong oras na ba?" Tulala lang akong kumakain.

"5:20 PM na po ma'am" Sagot ni Tyler. Tumango na lang ako at kumain na lang nang kumain. Pakiramdam ko ay tataba ako dahil sa mga kinakain ko. Umakyat ulit ako sa room ko at humiga muna sa kama ko.

"Hon"

Napatingin ako sa pinto at nakita doon si Kiian. Napabangon kaagad ako, kaagad naman s'yang lumapit.

"Be careful, hon" Sabi n'ya naman. Natawa naman ako.

"Hindi pa naman malaki ang tummy ko, Kian. Pwede pa akong gumalaw-galaw" Umupo na ako.

"I have some fruits for you" Inabot n'ya 'yung plastic bag. Kinuha ko iyon at tiningnan ang mga binii n'ya. Apple, orange and mango.

"Thank you" Hinalikan ko s'ya sa pisngi n'ya.

"I'll cook vegetables, just wait" Humalik muna s'ya sa t'yan ko bago tumalikod. Napangiti ako. Palagi na s'yang gano'n kaya medyo sanay na din ako.

Nag cellphone na lang muna ako habang hinihintay si Kian na matapos doon.

"Hon, eat first" Nilapag ni Kian 'yung pagkain sa table.

Nang maramdaman kong naduduwal ako, tumakbo kaagad ako sa cr para doon sumuka.

"Fuck, hon! Are you okay?" Hinaplos n'ya ang likod ko.

"Yes--" Sumuka ulit ako. Nag simula na naman ang pagkahilo ko kaya nag mumog na ako. Inalalayan naman ako ni Kian na bumalik sa kama.

"Susubuan na lang kita" Kinuha n'ya 'yung pagkain.

"Kaya ko na--"

"Tss, just eat this" Nasa harap na ng bunganga ko 'yung kutsara kaya ngumanga na ako.

"Puro gulay naman 'yan" Reklamo ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa gulay. Okay pa sana 'yung may halong karne, kaso lang, puro gulay lang talaga ang niluto n'ya.

"Of course, for our baby to be healthy" Sabi naman n'ya at inabot na sa akin ang tubig dahil tapos na akong kumain. Kinuha n'ya ang tissue at pinunasan ang bibig ko.

"Bakit pala ang aga mong umuwi? Akala ko ba 7:40 pa ang off mo?" Tanong ko habang yakap ang unan sa tabi ko.

"I missed you, so I go home to see my fiancee" Niligpit n'ya 'yung pinagkainan ko at tumabi s'ya sa akin.

"Mag bihis ka nga muna"

"Mabaho na ba?" He asked.

"No, tsaka... Mag pahinga ka na din. Kakauwi mo lang, ako kaagad ang inasikaso mo" Niyakap naman n'ya ako.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon