Chapter 10: Meeting

916 29 0
                                    

Lumabas na ako sa room at umalis na sa building na 'yon. Last class na namin 'yong kanina kaya vacation na namin ngayon. Hindi pa ako nakakaisip ng pwedeng puntahan. Napaka boring naman kasi sa mansion ng lalaking iyon. Lumabas na ako sa university at sumakay na sa jeep. Pagkadating sa company ay pumunta na kaagad ako sa office ni Kian. Pagbukas ko ay nakita kong busy-ng busy sya sa ginagawa nya. Umupo na ako sa tapat ng desk ko. Hindi nya nga rin yata ako napansing pumasok.

Hinayaan ko na lang 'yon at nag simula na lang na icheck ang bawat files. Habang ginagawa ko 'yung power point ko ay biglang tumunog 'yong phone ko. Kinuha ko 'yon at sinagot na.

"Hello?"

[Yanna, bakasyon naman ngayon. Baka pwede tayong pumunta sa resort? Libre ko na] Sabi ni Xyver.

"Uh... Sige" Pagpayag ko.

[Talaga? Salamat!] Sabi naman nya. Rinig na rinig ko yung pagtalon nya.

"Pupunta na lang ako sa condo mo mamaya"

[Sige, ingat ka]

"You too." I ended the call. Malapit nang mag gabi kaya binilisan ko na lang ang paggawa ng mga idinagdag ko para sa sasabihin ko sa meeting.

"Lorein." Pagtawag saakin ni Kian. Tumingin ako sa kanya at hinintay ang sasabihin nya. "It's your vacation, right? Where do you want to go?" Ipinatong nya 'yung dalawa nyang kamay sa desk.

"Resort, with my friend." Sagot ko naman. Sya, wala naman yata syang vacation. Ni mag pahinga nga tuwing sunday ay ayaw nya.

"Who's that friend?" He raised his eyebrow.

"Xyver, why?" I asked. Umiling lang sya.

"You can go now." Ibinalik nya yung tingin nya sa laptop.

"Really? Thanks!" Tumayo na kaagad ako at kinuha na 'yung gamit. Narinig kong may sinabi pa sya pero hindi ko na pinakinggan pa at umalis na lang doon. Umuwi muna ako sa mansion nya para mag dala ng onting damit sa bag ko. Nag bihis lang din ako at umalis na doon. Nang makarating sa condominium ay nakita ko na si Xyver na nakatayo doon. "Hoy!" Sigaw ko kaagad sa kanya. Napatingin naman sya saakin at saka ngumiti.

"Ang tagal mo. Alam mo naman hindi dapat pinag hihintay ang isang Xyver Leigh" Umiiling nyang sabi. Tinaasan ko sya ng kilay at saka binatukan. Hinimas naman nya 'yon.

"Tss, tara na. Baka mainip pa yung isang lalaking monggoloyd na katulad mo" Tinarayan ko sya at nag lakad na papunta sa kotse nya. Narinig ko pa syang tumawa hanggang sa makasakay sa kotse nya. "Bakit gabi mo naisipan? Bakit hindi bukas?" Sinuot ko na 'yung Seatbelt.

"Syempre, para bukas, nandoon na tayo" Sabi nya bago nag simula mag drive. Ganoon ba kalayo yung byahe? Tss.

"Bakit hindi mo sinama yung tatlo?" Tanong ko.

"Ha? Uh... Busy sila, di ka ba nainform?" Sabi nya. Tumango na lang ako. Nakatulog na ako sa byahe dahil sobrang tagal. Nagising ako noong tinapik nya ako. "Nandito na tayo" Napakamot ako sa leeg ko bago bumaba ng kotse. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 2 AM na.

"Inaantok na ako" Reklamo ko dahil mahaba pa ang lalakadin namin bago makapunta sa hotel ng resort.

"Sakay ka sa likod ko, pagod ka na eh" Umupo naman sya at tinapped yung balikat nya. Sumakay na ako at yumakap sa leeg nya.

***

XYVER'S POV

Pagkagising ko at tulog pa rin 'tong si Yanna. Napuyat kagabi dahil hindi na nakatulog kaya ayon, nag laro na lang ng ML. Tumayo na ako at tiningnan sya sa kabilang kama.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now