Chapter 29: Tagaytay

576 21 0
                                    

Na-e-exite tuloy akong pumunta sa tagaytay. Malayo s'ya dito pero nakapunta naman kami doon dati 'di ba? Rest day ngayon sa office, pero may pasok kami. Dumiretso na ako sa cafeteria para kumain muna. Um-order ako ng food at hinintay 'yon bago umupo sa table. Nakita ko si Shiro, Sheena at Xavier sa kabilang table kaya lumapit ako doon.

"Hi, wala kayo kahapon, ah!" Sabi ko sa kanila. Umupo na ako at nakitang mukang badtrip si Shiro. At muka namang seryoso si Xyver, si Sheena naman ay mukang namomroblema. Lahat sila ay tulala. "Hi?" Tiningnan ko ulit sila.

"Oh! Ash, nand'yan ka pala!" Gulat na sabi ni Shiro. Mukang hindi n'ya napansing umupo ako dito.

"Ay pota-- Hi Yanna" Bati naman ni Xavier tsaka ngumiti.

"Kanina ka pa?" Tanong ni Sheena.

"Kakarating ko lang naman" Mabagal kong sabi at isa isa silang tiningnan. Kumain na lang muna ako habang nanahimik sila. "Ayos lang ba kayo? Para kayong may problema, o baka meron nga talaga?" Tanong ko sa kanila.

"Wala" Tumawa si Shiro.

"I know you, Twin." Sabi ni Sheena at mukang malungkot talaga.

"Huh? Okay lang ako" Tumawa s'yang muli.

"Gago ka talaga, sabihin mo na" Si Xyver.

"Wala nga-- a-aray!!" Napasigaw s'ya nang kurutin ko 'yung tagiliran n'ya.

"Sasabihin mo o sasabihin mo?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Aray! S-sasabihin ko na!" Hinampas n'ya 'yung kamay ko kaya inalis ko na doon 'yung kamay ko sa tenga n'ya.

"Sabi ko na you have a problem eh!" Sinamaan s'ya ng tingin ni Sheena.

"Oh, sabihin mo na" Tumawa pa si Xyver. Huminga naman nang malalim si Shiro.

"Gusto ko si Cindy"

Napatigil kaming tatlo at sabay-sabay na napatingin kay Shiro. Kaagad s'yang umiwas ng tingin sa amin.

"A-ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Twin... She's our friend!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sheena.

"Pre, totoo ba 'yan? Malakas ka sa chix, ah? Bakit nag hahabol ka do'n?" Tanong ni Xyver.

"Kailan pa?" Tanong ko pa.

"Matagal na, 7 Months na" Yumuko s'ya, halatang malungkot.

"Then why are you sad?" Lumapit pa si Sheena kay Shiro.

"Wag na nga nating pag-usapan" Uminom s'ya ng tubig.

"Mahal mo?" Tanong ko.

"Sobra" Natawa s'ya nang mahina.

"Edi ligawan mo" Sabi naman ni Xyver.

"Hindi pwede" Sagot ni Shiro. Kumunot ang noo namin.

"Bakit?" Si Sheena.

"Pero pre, kaibigan natin s'ya" Seryoso na si Xyver.

"Kaya ko nga s'ya kinakalimutan, eh. Pero hindi ko kaya, lalo lang akong nahuhulog sa kan'ya" Parang wine 'yung tinutungga n'ya dahil panay s'ya inom ng tubig.

"Umamin ka na ba?" Tanong ko. Nag-aalala ako dahil mag kaibigan kami. Nag-aalala akong baka masira 'yung friend ship nilang dalawa.

"Hindi pa" Sabay ng pag iling n'ya.

"Umamin ka na habang maaga pa" Pagkukumbinsi ni Xyver kay Shiro. "Tutulungan kita" Tinaas taas pa ni Xyver 'yung kilay n'ya habang nakangiti.

"Hindi na--"

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now