Chapter 44: Sleep

567 20 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sinabi ni Mommy na isasama daw nila ako sa company nila. Actually hindi ko alam na sikat din ang apilido namin. Hindi sa pagiging Mafia, kundi dahil sa sikat nilang kumpanya.

"Ash! Wake up!" Narinig kong kumatok pa si Kuya Ash. Nakahiga pa kasi ako at tinatamad bumangon. 8:30 AM pa lang naman eh.

Naramdaman kong papikit na naman 'yung mata ko. Ano bang silbi ng paggising ko kung matutulog din ako? Tss.

"Lady Veronica, bumangon ka na po" Sabi ng isang maid. Halos lahat ng maid dito sa mansion ay may mga nakalagay sa gilid nila na baril. At hindi pang katulong ang suit nila. Puro black dress lang. Mukang mas maganda pa nga ang suot nila kaysa sa suot ko.

Mag katulong na lang din kaya ako?

"Inaantok pa ako, 15 minutes pa" Sabi ko habang yakap-yakap ang unan.

"Hindi po pwede--"

"Argh!"

"S-sige po, Lady! M-matulog na lang po ulit kayo" Kaagad na lumabas 'yung dalawang maid. Natakot sila do'n?

"Veronica, wake up" Malambing na sabi ni Dad.

"Ayoko"

"Bangon na" Pagpipilit pa nila Mommy. Pakiramdam ko ay nasa pinto silang apat at pinag tutulungan akong pabangunin dito.

"Mom, 5 minutes, please?" Antok na antok pa ang boses ko at papikit na naman ang mga mata ko.

"Okay" Sabi naman ni Mom.

Naramdaman kong may umupo banda sa likod ko.

"Wake up, hon" Kasabay no'n ang paghalik n'ya sa noo ko. Kusa tuloy bumukas ang mata ko at namilog kaagad ito. Napatingin ako sa kan'ya.

"Layo! Hindi pa ako naliligo!" Tumakbo kaagad ako papunta sa cr. Wahh! Nakakahiya! Nakita n'ya akong bagong gising! Nakikita naman n'ya ako na bagong gising dati sa mansion n'ya, pero nakapaghilamos na ako! Eh, ngayon nagising lang ako dahil sa bulong n'ya!

Nag madali na akong maligo doon. Aalis pa nga pala kami! Bakit kasi madaling araw na ako natulog kagabi?

Pagkatapos kong maligo ay bigla akong may naalala. Nasa'n 'yung damit ko? Argh! Hindi ako nakakuha! Buti na lang ay palaging may towel dito sa banyo. Ipinulupot ko 'yon sa katawan ko at binuksan 'yung pinto. Sumilip ako doon at nakita ko si Kian na nakaupo sa kama ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa cr at dumiretso sa cabinet ko. Kinuha ko 'yung Pink dress na hanggang tuhod ko ang haba.

Napatingin ako kay Kian. Halos sabay lang pala kaming napatingin sa isa't isa. Kaagad s'ya tumalikod habang nakatakip ang kamay sa bibig n'ya. Bigla tuloy akong nahiya.

Nang matapos akong mag bihis ay nag light make up lang ako. Nasa baba na si Kian kaya sumunod na ako. Kumakain na sila kaya umupo na ako sa harap ng table at kumain na din.

"Good morning, Veronica/Ash" Bati nila.

"Morning" Bati ko din

Naramdaman kong nakatingin sa akin si Kian.

"Hon" Tawag n'ya.

"Why?" Tumingin ako sa kan'ya.

"Kiss" Ngumuso s'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Nasa harap kami nina Mommy! Napatingin tuloy ako kina Daddy. Buti na lang ay busy silang kumain.

"Tumigil ka nga" Bulong ko sa kan'ya. Nag pout s'ya kaya pakiramdam ko ay namula 'yung pisngi ko. Tinuloy ko na lang 'yung pag kain ko.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami. Nakahawak sa bewang ko si Kian, pero inalis n'ya iyon.

Deal With The Mafia BossUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum