Chapter 36: Revelations

598 15 1
                                    

HARPER'S POV

Nandito kami ngayon sa warehouse dahil marami kaming ginagawa. Nag re-research ako tungkol sa RSGM. Alam kong nasa ibang site nakatago ang mga importanteng impormasyon.

"Sino sinong members nga ulit 'yon?" Tanong ni Haze.

"Ako na mag susulat sa papel" Pag bo-volunteer ni Jade.

"Ako na, kuhain mo na lang 'yung laptop sa taas" Utos ni Tyler.

"Makautos ka, gold ka ba?" Tanong ni Jade. Putcha, pati iyon pinag aawayan pa! Nag scroll na lang ako para mag hanap pa ng mga impormasyon. Matagal na naming kilala ang Red snake group, pero marami pa rin kaming hindi nalalaman sa grupo na iyon. Lalo pang lumalaki ang grupo nila kaya mas nahihirapan kaming makilala ang mga muka nila.

"Oo gold ako, bakit?" Si Tyler. Tumayo na lang si Jade at umalis na.

"Oh papel" Binigay ni Noah 'yung hawak nyang papel kay Tyler.

"May nakita ka na ba?" Tanong pa ni Ethan. Umiling ako at nag scroll pa. Sobrang daming kailangan basahin bago mo marating ang kaligayahan, puta.

"May nakita na ako" Umayos naman sila ng upo at hinintay akong banggitin iyon.

"Tyler, ilagay mo d'yan si Claudine" Utos ko. Tumingin sila sa akin.

"Eh, kilala naman natin sila Hailey at si Alexa pati si Claudine" Reklamo ni Haze.

"Member pa rin sila, gago 'to. Lagay mo na sila d'yan" Kinuha ko 'yung book para mag basa pa. Malapit na ang launching kaya pinaplano ni boss na alamin na lahat ang pangalan Ng members para madaling matandaan kung sakaling may masamang mangyari sa launching.

"Palaging nangunguna si Claudine sa girls. S'ya siguro ang kaliwang kamay" Sabi ni Noah.

"Oo, second hand lang" Tango tango kong sabi. Bigla akong binatukan ni Noah. "Aray! Tangina, ano na naman?" Inis na tanong ko. Tama naman ako 'di ba? Second hand lang si Claudine.

"Hindi mo kasi sinama yung first hand, Si Alexa" Sabi ni Noah. Napatango ako, nakalimutan ko eh. Nambatok naman si Haze.

"Aray, tangina!" Reklamo ni Noah. "Bakit?!"

"Second hand, first hand amputa. Dati ba kayong tanga?" Tanong ni Haze. Nag katinginan kami ni Noah.

"Tanga daw tayo babe" Pag susumbong ko kunwari.

"Naneto oh"

"Tama na 'yan, mag research na" Sabi ni Jade nang makabalik s'ya. Napatingin ako kay Ethan na napahilot sa noo.

"Uy, kabit ko, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ang legs n'ya.

"Gago, 'wag mo nga akong hawakan" Inalis n'ya 'yung kamay ko. Arte talaga ng kupal na 'to.

"Pero pag kay Zylia, go, go, go lang?" Tanong ko. Natahimik s'ya at hindi nakapag salita. Oh 'di ba, Gago din eh. Tinawanan na lang namin s'ya at bumalik na sa ginagawa.

"Sa lalaki, sino?" Tanong ni Tyler habang may kung ano-anong ginagawa.

"Si Walter" Bakit s'ya ang nangunguna dito? 'Di ba si Theo dapat?

"Jualter? As in, J-u-a-l-t-e-r?" Banggit n'ya sa mga letra.

"Letter W, pero may L lang" Sabi ko pa. "Idagdag mo din si Theo tsaka si Andrew"

"Ah! Sige!" Agad naman n'yang sinulat iyon. Pagkalipas ng ilang oras ay tumayo na ako doon at tsaka namin niligpit ang mga gamit. Tangina, nakakapagod na talaga kapag seryoso ang mga kailangang gawin.

"Sumakit likod ko do'n, ah" Inunat ni Noah ang likod n'ya.

"Lalagnatin yata ako" Sabi naman ni Haze. Lahat kami pagod dahil sa paghahanap ng mga kinginang impormasyon. Tsk! Nasa'n na ba kasi 'yung pahinga ko? Si Aki, namimiss ko na. Tangina, ilang araw pa lang kaming hindi nag kikita, pero namimiss ko na s'ya.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now