Chapter 58: Proposed

774 19 0
                                    

2 Months after

NOAH'S POV

"Mae, tara na" Tawag ko kaagad kay Mae pag-akyat ko sa taas. Humarap naman s'ya sa akin habang kinukuha ang bag n'ya sa cabinet.

"Susunod na ako" Ngumiti s'ya. Tumango ako at bumaba na lang muna.

"Saan ka pupunta tol?" Tanong ni Harper sa akin.

"Sa puntod ni Lyn" Ngumiti na ako at uminom muna ng tubig. Tama na nga siguro ang gagawin ko. Ngumiti ako sa sarili ko para pagaanin ang pakiramdam ko.

"Noah, let's go na" Humawak si Mae sa braso ko.

"Una na kami. Nag paalam na din ako kay boss" Tumalikod na ako at paglabas naman ay pinagbuksan ko na ng pinto ng kotse si Mae. Umikot ako para sumakay din. Pinaandar ko naman iyon paalis doon. Kuntento na ako sa gagawin ko. Tamang kausapin ko si Lyn sa puntod n'ya. Kahit wala na s'ya, gusto ko pa din na ipaalam sa kan'ya lahat ng mga bagay na gusto kong gawin.

Pagdating kung saan nakalibing si Lyn ay nilapag namin ni Mae ang bulaklak na dala namin para kay Lyn. Umupo kami sa harap ng puntod at tiningnan ko naman ang pangalan ni Lyn sa lapida n'ya. Madumi na 'yon kaya pinunasan ko na muna.

Ilang taon ka nang wala, ilang taon na akong nalulungkot sa pagkawala mo. Pero bigla ko ding naisip, Hindi ko kayang maging malungkot na lang habang buhay. Gusto ko din sumaya. Mahal pa din kita Lyn, pero oras na siguro para pakawalan ko ang sarili ko sa'yo at mag mahal ng bago. Wag kang mag alala, habang buhay kong dadalhin ang pag mamahal na binigay mo sa 'kin.

Pero ikaw na din ang nag sabi na mag mahal ako ng iba. Mahal ko na si Mae. Hindi ko s'ya minahal noon para makalimutan ka. Ayokong gamitin s'ya kahit alam kong mahal n'ya ako. Pero ngayon, totoo na. Mahal ko s'ya, at sa totoo lang, isang bwan na kaming nag sasama. 1st Monthsary namin ngayon at ito ang una naming ginawa. Ang ipaalam sa'yo ang lahat.

Salamat sa lahat Lyn. Pinasaya mo ako ng sobra noong nabubuhay ka pa. Tangina, 'di ko nga alam kung gaano ako kasama no'n. Thank you kasi dumating ka sa 'kin, na kahit gano'n pa ang nangyari, nilabanan mo pa rin sakit na natamo mo.

Napahinga ako ng malalim.

"Masaya kaya s'ya kung malaman n'yang tayo na?" Tanong ni Mae sa akin. Tumingin ako sa kan'ya at tumango.

"Masaya s'ya, Mae. S'ya na mismo ang nag sabi sa'kin nito" Tumingin ako sa langit. Namimiss na kita, Lyn. Sa dami ba namang taon na hindi na tayo nag kasama. Pumikit ako at dinamdam ang malamig na hangin. Shit, pakiramdam ko niyayakap ako ni Lyn sa katawan ko. Namiss n'ya siguro 'yung abs ko. Naramdaman kong humampas ang hangin sa'kin. "Aray!" Reklamo ko. Hinampas ba ako ni Lyn? Astig.

"Why?" Tumawa si Mae. Umiling lang ako. Nag tagal pa kami ng ilang oras doon bago napagdesisyonan na umalis para mag date. Nauna na s'ya sa kotse kaya tumingin muna ako sa puntod ni Lyn.

"Sana bantayan mo kami palagi, Lyn. Hanggang sa muli" Ngumiti ako sa puntod n'ya at nag lakad na paalis.

ANDREW'S POV

Nandito ako ngayon sa party ni Lady Veatrix dahil birthday n'ya, invited lahat ng Dawson's. Feeling ko nga umatend lahat. Tumingin ako sa paligid at hinanap si Haze. Kasama n'ya kaya dito si Naeya? Siguro, girlfriend n'ya 'yon, eh.

"Sino'ng hinahanap mo?" Tanong ni Alexa at tumingin din sa paligid.

"Wala" Umiling ako at uminom sa wine ko.

"Naks bro, pogi mo d'yan, ah?" Sabi ni Theo nang makarating. Natawa ako.

"Palagi naman akong pogi" Pagyayabang ko.

"Gago, akala ko naman mag papasalamat ka" Sabi pa ni Theo.

"Hi guys!" Tumakbo si Claudine sa pwesto namin.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now