Chapter 16: Spy

696 23 1
                                    

Napakasaya ng mga araw ko ngayon, hindi ko alam kung bakit. Masaya lang ako. Arg! Bumaba na kaagad ako para pumunta sa court dahil may practice si Shiro ngayon. Pagpunta ko doon ay nakita ko si Sheena at si Cindy na nandoon. Pumasok na lang ako.

"Yanna!" Narinig ko yung boses ni Xyver sa likod ko kaya lumingon ako. Paglapit nya at ginulo nya kaagad yung buhok ko. "Mukang masaya ka ah?" Pansin nya. Ngumiti ako ng sobrang laki.

"Aba, nangangamoy in love, Yanna, ah?" Tanong ni Cindy.

"Woah! She looks so happy! What's new Yanna bebs?" Tanong naman ni Sheena.

"Wala! Masaya lang ako, hindi ko alam" Umupo ako habang nakangiti. Para na akong baliw dito kakangiti. Arg!

"Hi Ash babe!" Bati ni Shiro at lumapit kaagad tsaka ako inakbayan. "Ngiting ngiti, in love ka?" Ginulo nya din yung buhok ko.

"Huh?" Tanong ko naman. Porket ba nakangiti ng sobrang lapad, in love na?

"In love ka kay Xyver no?" Tanong ni Shiro. Kunot noo akong tumingin sa kanilang apat. Ako, may gusto kay Xyver?

"Kaibigan ko lang sya, kotongan ko kayo dyan, eh" Tumawa ako ng mahina at umupo na. Tumawa din si Xyver.

"Awww, sakit" Sabi ni Cindy. Hindi ko makuha yung mga pinagsasabi nila, tss.

"Uh, kain tayo sa restaurant? Libre ko" Sabi ni Shiro.

"Game!" Sheena.

"Go!" Cindy.

"Eh, si Yanna? Free kaya?" Mukang nag iba yung mood ni Xyver.

"Free ako" Ngumiti ako.

"Tara na!" Nauna nang mag lakad si Shiro kaya sumunod na kami sa kanya. Lumapit ako kay Xyver at inakbayan sya.

"Bakit ang lungkot mo? Broken ka?" Tinapiktapik ko yung likod nya.

"Hindi no, tsk" Umakbay din sya saakin.

"Maging masaya ka nga, free ako ngayon, oh" Tinarayan ko sya at naglakad na lang din.

"Sige na nga!" Tumawa sya at sumunod saakin. Sumakay kami sa kotse ni Shiro. Si Xyver naman ang nag drive. "Pogi naman ng driver nyo"

"You want sampal?" Tanong ni Sheena.

"Hay nako, Xyver" Umiiling iling na sabi ni Cindy.

"Putana" Sabi naman ni Shiro.

"Gwapo naman si Xyver, ah?" Totoo namang gwapo sya, Badminton player pa.

"Let's go na lang" Si Sheena.

"Ang sama talaga ng tatlong 'to sa akin" Sinamaan sila ng tingin ni Xyver. Nag drive na sya at pagkadating sa restaurant ay pumasok kami kaagad. Sinabi ko lang yung order ko. Si Shiro at Cindy na ang kumuha doon. Habang hinihintay ko sila ay naisipan ko munang mag picture. Biglang sumingit si Xyver kaya sinama ko na lang sya. Nilagay ko 'yun sa story ko sa ig at may caption na 'Nucks!' Wala akong maisip na caption, eh. Bahala na.

Nang dumating 'yung mga pagkain ay kumain na kaagad kami. Nagutom din ako dahil sa presentation ng essays kanina. Madami ang ginagawa sa school, buti na lang ay wala na masyadong gagawin sa office. Habang kumakain ay nakipag kwentuhan lang ako sa kanila. Madami akong mga hindi nasasabi sa kanila dahil palagi akong busy. Free ako kaya in-enjoy ko nang makasama sila.

Nag vibrate 'yung phone ko kaya kinuha ko at tiningnan 'yon.

KianDawson: Come to my office.

Hah! Doon pa talaga sya sa story ko nag reply! Tsaka, akala ko ba walang gagawin sa office? Eh, bakit pinapatawag ako ng lalaking 'to ngayon?

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now