Chapter 23: Party

589 18 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm na hindi ko alam kung sino ang nag set. Tinatamad akong bumangon galing sa pagkakahiga ko at saka pinatay yung alarm.

"Hon, wake up" Sabi ni Kian at saka binuksan 'yung pinto.

"Gising na ako" Tumingin ako sa alarm clock. "Sino bang nag alarm nito? Ang himbing Kong natutulog eh!" Pagdadabog ko naman.

"I set that." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Wala namang gagawin sa office, ah?" Tanong ko.

"I told you last night, we are going to attend the party" Nag lakad sya palapit sa akin. "So stand up and go to the shower to take a bath, faster" Utos nya sa akin at tinulak tulak pa ako para makatayo. Napataray ako bago pumunta sa cr. Mabilis lang akong naligo at nag lagay na ng towel sa katawan. Lumabas ako sa cr at nakita ko naman doon si Kian na nakabihis na. Ang bilis naman n'ya.

"Tapos ka na kaagad?" Tanong ko sa kanya. Tumingin s'ya sa akin at napaiwas din kaagad. Problema nito? Nag lakad na lang ako palapit sa cabinet ko at nag hanap ng susuotin doon.

"Yeah, make it faster." Sagot nya.

"Eh, Wala nga akong maisuot dito!" Sabi ko naman habang nagkakalkal ng damit. Tumayo s'ya at may inabot na paper bag sa akin.

"Wear it" Sabi nya habang hindi nakatingin sa akin. Kinuha ko naman iyon at tiningnan 'yung laman.

"Fitted dress!?" Tanong ko. Tumingin s'ya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Yeah" Sagot nya. Binalik ko 'yon sa paper bag at binigay ulit sa kanya.

"Hindi ako nag susuot ng ganyan." Sabi ko at nangalkal na lang ulit ng damit doon. "Hindi ako mahilig sa ganiyan"

"Tss, you need to wear this dress. We are going to attend, anong isusuot mo?" Tanong nya sa akin na parang tinatanong pa kung may maiisuot pa ba ako.

"May pants ako dito tsaka may jacket" Sabi ko at kinuha iyon sa cabinet. "Ito oh"

"That's a formal party, did you think the guard let you to come inside?" Tanong nya pa. Napanguso akong tumingin sa pants at jacket. "Know the answer? They not let you to come inside, so wear this dress" Binigay nya ulit 'yun sa akin. Tama nga naman. Hindi nga ako papapasukin kung ganoon yung suot ko.

"Pero kailangan pa bang mag make up?" Sana naman ay hindi na.

"Even no make up on, you're still beautiful" Ngumiti sya. Nambola na naman!

"Sige na! Labas na!" Tinulak ko na sya palabas ng kwarto ko. Nang mapalabas ko s'ya ay nag bihis na ako. Tiningnan ko 'yung sarili ko sa salamin. Ang hagard ko naman. Baka ma-offend sa akin 'yung mga kabusiness ni Kian kapag nakita 'yung itsura ko.

Napatingin ako sa harap ng salamin kung saan nakapatong din doon yung mga make up na minsan ko lang ginagamit. Sabi nila, magaling daw ako mag make up kaya triny ko dati 'yon kina Harper, Noah at Ethan. Nag lagay na muna ako ng liquid foundation sa muka ko at saka blinend iyon. Naglagay din ako ng blush, at eyeshadow. Nag kilay ako at nag lagay din ng mascara. Panghuli ay naglagay ako red lipstick.

Tumayo ako at inayos iyung buhok ko. Tiningnan ko sa salamin 'yung suot kong fitted dress na hanggang sa taas ng tuhod ko. Hindi ako comportable na suot 'yun pero hinayaan ko na lang. Color dark red 'yung binili nya. Nakakapagtaka nga dahil sakto sa akin 'yung dress na 'to. May kaunting glitters din doon na nag sisikintaban. Maganda naman s'ya at bagay sa lipstick ko.

Ano kayang meron sa party na 'yon? Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako a-attend sa party na ganito 'yung suot. Tumingin ako sa oras. Arg! kailangan ko nang mag madali dahil 11:25 AM na pala. Baka naiinip na si Kian kakaantay sa akin. Kinuha ko 'yung sling bag ko at sinukbit na iyon sa balikat. Lumabas na ako sa kwarto ko tsaka bumaba.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now