Chapter 27: Your Doctor

621 20 0
                                    

Pagkatapos ng klase ko ay kaagad akong lumabas sa room dahil nagsisimula na naman si Sophia ng gulo. Gusto kong makausap si Sheena at Shiro kaya inabangan ko na pang sila sa may cafeteria. Maya't maya akong palinga-linga sa palagid. Bakit ang tagal naman nila? Nag tiyaga akong mag hintay doon hanggang sa nakita ko nga silang papalapit sa pwesto ko. Sakto naman dahil silang dalawa lang talaga ang mag kasama.

"Oh, Ash! Aga mo, ah?" Tanong ni Shiro. Pero bakit hindi nila kasama si Xyver?

"Kanina ka pa nandito?" Tanong ni Sheena sa akin tsaka umupo sa tabi ni Shiro, sa harap ko. Tumango naman ako.

"Anong gusto mo? Libre ko" Si Shiro.

"May gusto lang akong itanong." Seryoso akong nakatingin sa kanila. Nagkatinginan naman sila at ibinalik sa akin ang tingin.

"Sure, ano 'yon?" Umayos ng upo si Sheena habang nakaharap sa akin at inaantay ang itatanong ko.

"Nakakakaba ka naman, Ash" He awkwardly laughed.

"Kayo ba ang nag sabi kay Xyver na hindi ko totoong asawa si Kian?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Muka naman silang nagulat at hindi kaagad nakapagsalita.

"Ash--"

"Tinatanong ko kayo." Hindi naman ako galit. Nagulat lang din ako kung bakit nila sinabi kay Xyver. "Nangako kayo na hindi n'yo sasabihin kahit kanino"

"S-sorry, Yanna. Uh, he forced us, eh" Kinakabahang sabi ni Sheena. "Don't be angry, please! Sorry! Hindi talaga namin na-secret, Kasi nakakahalata na daw si Xyver"

"Kaya sinabi na namin sa kan'ya. Alam mo namang gusto ka no'n. Gagawa ng paraan para mag karoon ng chance" Bulong ni Shiro. Mataga loll ko nang alam na gusto ako ni Xyver, pero binalewala ko lang. Kaya n'ya palang gawin lahat, magkaroon lang ng chance sa akin. Pero hindi na mahalaga 'yon.

"Sorry, Yanna" She pouted.

"Okay lang 'yon" Sabi ko naman sa kanya.

"Wait, hindi ka ba talaga inlove kay Mr. Dawson? Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa lahat na asawa ka ni Mr. Dawson" Tanong n'ya pa.

"Onti na lang 'yung hindi alam na asawa ka ni Mr. Dawson, halos lahat, pinaguusapan ka pa rin" Si Shiro.

"Hindi ko naman kailangang sabihin sa lahat. Alam kong malapit na matapos 'yung contract ko sa kan'ya. 10 Months lang naman 'yon, may 2 Months pa ako para manatili doon. Tsaka, mas napapalapit na 'yung loob n'ya kay Madi kaya makakaalis na din ako doon" Kinuha ko na 'yung gamit ko at tumayo na dahil ayokong pag-usapan pa 'yon.

"Nag-uusap pa tayo, hoy!" Tawag ni Shiro.

"Tss, may gagawin pa ako sa condo" Sabi ko naman. "Una na ako" Paalam ko at umalis na doon. Napadaan ako sa parking lot at tumingin sa paligid. Nakita ko doon sina Noah at Harper kaya nag tago kaagad ako. Alam ko namang ako ang sinusundo nila. Matagal na din noong hindi ako umuuwi sa mansion ni Kian. Nasa condo lang ako nag stay dahil pakiramdam ko ay hindi ko s'ya kayang harapin.

Hindi ko naman inaasahan 'yung sinabi n'ya. Na... Na gusto n'ya ako. Ang hirap paniwalaan. Tumakbo nakaagad ako paalis doon at dumiretso na sa waiting area. Nang may humintong jeep ay kaagad akong sumakay doon. Mag bayad ako at nag hintay na lang muna na huminto ulit 'yung jeep. Nang makarating na sa condo building ay bumaba na kaagad ako at pumasok sa loob.

Saktong bumukas 'yung door ng elevator kaya sumakay na ako. Pinindot ko 'yung 7th floor at nag hintay ulit. Pagbukas ay lumabas din kaagad ako at hinanap 'yung unit ko. Pagpasok ko pa lang doon ay natulala kaagad ako sa kalat na sumalubong sa akin. Hindi nga pala ako nakapag linis dito kanina. Deadline kanina ng project namin kaya minadali kong tapusin.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now